29/10/2025
Binigyan ni Ginoong Noel F. Nicolas, Taekwondo Instructor ng Greene Academy Incorporated, si Aiy-Razel Malik — isang Taekwondo player na dalawang beses nang nag-uwi ng karangalan para sa G*I mula sa mga sinalihang kompetisyon. Ayon kay G. Nicolas, espesyal ang medalya dahil ito ay isa sa mga personal niyang medalya mula sa mga sinalihan niyang kompetisyon noon. Ibinigay niya ito kay Malik bilang pagkilala sa ipinapakita nitong sipag, determinasyon, at pagpupursigi sa bawat ensayo at kompetisyon. Iginawad ang medalya kaninang araw sa kanilang Taekwondo Recognition para sa Quarter 1 Training Cycle.
📝: Binoy
📷: N.Nicolas