Kagawad Arcel Estrella Crisolo

Kagawad Arcel Estrella Crisolo Poblacion ang panalo

LOVE 60 ABOVE: ONLINE REGISTRATION IS NOW OPEN!Para sa lahat ng Senior Citizens na residente ng Barangay Poblacion, Maka...
24/08/2026

LOVE 60 ABOVE: ONLINE REGISTRATION IS NOW OPEN!

Para sa lahat ng Senior Citizens na residente ng Barangay Poblacion, Makati City, OPEN na po ang online registration para sa LOVE 60 ABOVE!

Ang Love 60 Above ay isang espesyal na proyekto ng Barangay Poblacion na naglalayong maghatid ng Love Packages bilang pagpapakita ng ating pagmamahal, pagpapahalaga, at malasakit sa ating mga senior citizens, lalo na sa kanilang kalusugan at kapakanan.

FIRST 800 SUCCESSFUL REGISTRANTS ONLY!

Mag-register gamit ang link na ito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdU4DNIWKAehtUctkXfFrDIjw43B1OWxg01U8waBXi0MQ0WBQ/viewform?usp=publish-editor

Bago mag-register, ihanda ang YELLOW CARD o BLU CARD. Ito lamang ang ID na tatanggapin.

Siguraduhin na nakarehistro sa Constituent Registration ng Poblacion Website para mas mabilis ang pag-avail ng proyekto sa mga susunod.

https://epoblacion.net/home/constituent_registration/51

Paalala, sa mga mag-asawa, isa lang ang maaaring mag-register upang mabigyan ng pagkakataon ang iba.

Ang unang 800 successful registrants na makatutugon sa mga kinakailangang qualification at requirements ang magiging qualified beneficiaries ng Love 60 Above.

Huwag nang magpahuli! Mag-register na at maging bahagi ng isang programang hatid ay LOVE, CARE, at WELLNESS para sa ating mga Senior Citizens!

Ito ay gaganapin sa September 6, 2026, 2:00 PM onwards, sa Poblacion Sports Complex.

Ito ay isang proyekto ng Barangay Poblacion, Makati City sa pangunguna ni Punong Barangay Miko Villena, kasama ang Sangguniang Barangay, sa pamamagitan ni Kagawad Arcel Estrella Crisolo at ng Special Action Group.



Araw-araw na naglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabataan - Bantay Estudyante (Gen Luna corner Don Pedro - Pagu...
27/07/2026

Araw-araw na naglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabataan - Bantay Estudyante
(Gen Luna corner Don Pedro - Pagulayan)

Sa pangunguna po ng inyong lingkod, kasama ang Special Action Group ng Barangay Poblacion, at sa direktiba ni Brgy. Capt. Miko Villena, araw-araw po nating ginagawa ang programang Bantay Estudyante upang masiguro ang kaayusan at seguridad ng mga mag-aaral papasok at pauwi mula sa paaralan.

Patuloy po tayong magtulungan para sa ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa ating mga kabataan.



Sa panahon ng pagsubok, mas mahalagang maramdaman ng bawat isa na hindi sila nag-iisa.Ngayong araw, nagbahagi tayo ng bi...
06/07/2026

Sa panahon ng pagsubok, mas mahalagang maramdaman ng bawat isa na hindi sila nag-iisa.

Ngayong araw, nagbahagi tayo ng biskwit, kape, at pananghalian sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng sunog sa A. Mabini Street. Bagama't simpleng tulong lamang ito, hangad nating makapagbigay ng kaunting ginhawa at pag-asa habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa trahedya.

Patuloy po nating ipagdasal ang ating mga apektadong kabarangay at magkaisa sa pagtulong sa abot ng ating makakaya. Sa sama-samang malasakit, mas mabilis tayong makakabangon.🙏

Salamat sa grupo ng KASAMA KA sa pag alalay sa pamamahagi..


Sa likod ng bawat dekorasyon, programa, at selebrasyon ay ang taos-pusong paglilingkod para sa ating mahal na Poblacion....
01/07/2026

Sa likod ng bawat dekorasyon, programa, at selebrasyon ay ang taos-pusong paglilingkod para sa ating mahal na Poblacion.

Mula sa Fiesta Arch sa D.M. Rivera Street, pagpapaganda ng Poblacion Park, Poblacion Petstival kasama si Kag. Ada Pagulayan-Reyes, pagiging Overall In Charge ng Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion, balloon arrangement para sa Poblacion Amazing Race, hanggang sa floral arrangements ng mga carroza nina San Pedro at San Pablo para sa prusisyon ng simbahan at ng Samahang Poultry—lahat ng ito ay bunga ng pagkakaisa, pagmamahal, at dedikasyon sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakasama, katuwang, sumuporta, at nagbigay ng kanilang oras at talento upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Kapistahan nina San Pedro, San Pablo at Virgen de la Rosa 2026.

Patuloy tayong maglilingkod, magtutulungan, at magmamalaki sa ating mayamang kultura at pananampalataya.

Maligayang Kapistahan, Poblacion!🪅



27/06/2026

What a magical and unforgettable night! From the adorable smiles, dazzling performances, and stunning costumes to the crowning of our newest little royalty, our Coronation Night was truly filled with joy, talent, and shining stars.

Maraming salamat sa lahat ng mga kandidato, proud parents, sponsors, at sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa espesyal na gabing ito. Kayo ang dahilan kung bakit naging matagumpay at makulay ang ating pagdiriwang.

Relive the wonderful moments and witness once again the journey of our Mga Munting Bituin ng Poblacion through this highlights video!

Congratulations to all our candidates—you are all winners and the true stars of our Barangay!

Mamaya na po!!👑 Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion📅 Friday, June 26, 2026🕕 6:00 PM📍 ...
26/06/2026

Mamaya na po!!

đź‘‘ Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion
đź“… Friday, June 26, 2026
đź•• 6:00 PM
📍 Poblacion Sports Complex

Halina't suportahan ang ating mga munting bituin habang ipinapakita nila ang kanilang galing, talino, at kumpiyansa sa iba't ibang kompetisyon at pagtatanghal.

Sino kaya ang magiging susunod na Little Mister and Miss Poblacion? Abangan at makiisa sa isang gabing puno ng saya, pangarap, at mga kumikislap na bituin ng ating barangay!





Address

Brgy. Poblacion
Makati
1210

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Arcel Estrella Crisolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share