24/07/2025
Wala pa ring pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa Makati, bukas, July 24, 2025, dahil sa patuloy na pagdagsa ng ulan.
Wala ring pasok ang mga kawani ng gobyerno at sarado pa rin ang mga tanggapan sa Makati City Hall maliban sa essential personnel at frontline services.
Paalala ni Mayora Ate Nancy na mag-ingat ang lahat at iwasang lumabas o lumusong sa tubig baha.
Kung may emergency, agad na tumawag sa 168.