AksyonLink

AksyonLink Tulay sa impormasyon at serbisyo. Huwag magpahuli sa mahahalagang balita at serbisyo — sumali na sa AksyonLink! ➡️ aksyonlink.com
(3)

14/05/2026

PWEDE RAW KASUHAN NG NBI ANG SENATE SERGEANT-AT-ARMS?

Wala raw sa mandato bilang Senate Sergeant-at-Arms ni PMGen. Mao Aplasca (Ret.) na magpaputok ng baril.
Binigyang-pansin din ni Trillanes ang hindi raw paglikas sa mga taong malapit sa putukan.

14/05/2026

"SCRIPTED & STAGED"

Planado raw diumano ang putukan sa Senado, sabi ni Dating Sen. Antonio Trillanes IV. Tingin niya, kahina-hinala ang pagsuot ng full battle gear ng mga tauhan ng Senate security at Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), pati ang paghawi sa media mula sa lugar na pinangyarihan ng putukan. Lalo raw kataka-taka kung bakit nahayaan ang media na makunan ang insidente.

Giniit ni Senate President Alan Peter Cayetano na "under attack" ang Senado kaya nagpaputok ng warning shots ang OSAA.

14/05/2026

"THE SENATE WAS UNDER ATTACK!"

Nagtaas ng boses at napahampas sa podium si Senate President Alan Peter Cayetano nang tanungin kung itinuturing ba niyang pag-atake ang gulo sa Senado kagabi kung taga-Office of the Sergeant-at-Arms naman ang unang nagpaputok ng warning shots.

"HE (SEN. BATO) MADE THAT DECISION ON HIS OWN"Sa kanyang press briefing ngayong hapon, nilinaw ni Senate President Alan ...
14/05/2026

"HE (SEN. BATO) MADE THAT DECISION ON HIS OWN"

Sa kanyang press briefing ngayong hapon, nilinaw ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi niya nalamang umalis ng Senate complex si Senator Bato dela Rosa. Ayon sa mga ulat, nakaalis si Sen. Bato ng Senado bandang alas-dos ng madaling araw ngayong Huwebes.

14/05/2026

HAPPENING NOW: Press Briefing ni Senate President Alan Peter Cayetano

HINDI MUNA AARESTUHIN SI BATOAyon kay NBI Director Melvin Matibag, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mags...
14/05/2026

HINDI MUNA AARESTUHIN SI BATO

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa lamang ng monitoring ang NBI sa kaso ni Senator Ronald "Bato" dela Rosa. Binigyang-diin rin niya na kailangan munang sumunod sa tamang proseso at igalang ang desisyon ng Korte Suprema bago gumawa ng anumang aksyon.

Matatandaan na si pinangalanan ng ICC si Sen. Bato bilang kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity ng war on drugs.

Kasabay niyan, napaulat na nakaalis na ng Senado si Sen. Bato bandang alas-dos ng madaling araw ngayong Huwebes, May 14.

"ALL THIS FOR A MAN WHO SIMPLY DOESN'T WANT TO FACE THE LAW"Iyan ang naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros matapos a...
14/05/2026

"ALL THIS FOR A MAN WHO SIMPLY DOESN'T WANT TO FACE THE LAW"

Iyan ang naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros matapos ang nangyaring shooting incident sa Senado noong Miyerkules ng gabi, May 13.

Ayon sa kanya, ang kontrobersyal na pangyayari ay isang pagtatangka upang ilihis ang atensyon mula sa isang tao na hindi nais harapin ang batas.

Iginiit ni Hontiveros na ang Senado, bilang "People’s House," ay hindi dapat gawing lugar ng karahasan. Nanawagan siya sa mga kinauukulang magtulungan at magsagawa ng isang tapat at malinis na pagsisiyasat upang makuha ang buong katotohanan, at tiyaking magpapatuloy ang trabaho ng Senado.

BREAKING NEWS: Ayon sa mga ulat, nakaalis na ng Senate compound si Sen. Bato dela Rosa bandang alas dos ng madaling araw...
14/05/2026

BREAKING NEWS: Ayon sa mga ulat, nakaalis na ng Senate compound si Sen. Bato dela Rosa bandang alas dos ng madaling araw ngayong Huwebes, May 14.

14/05/2026

NEWS UPDATE: "HINDI PO GOBYERNO ANG GUMAWA NITO"

Giit ni Pangulong Bongbong Marcos, walang pumasok na sundalo o tauhan ng NBI sa Senado na naging dahilan ng putukan doon kagabi. Wala rin daw utos na hulihin si Sen. Bato dela Rosa sa kabila ng arrest warrant sa kanya ng ICC.

13/05/2026

"HINDI SIYA AARESTUHIN NGAYON."

"Secured" daw at "safe" sa loob ng Senado si Sen. Bato dela Rosa matapos ang putukan, sabi ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Hindi raw aarestuhin si dela Rosa ngayong gabi at sa halip ay gagalangin ang utos ng Korte Suprema sa Malacañang na magkomento sa petisyon ni dela Rosa na kumukwestyon sa ICC arrest warrant laban sa kanya.

BREAKING NEWS: Nagkaroon ng putukan sa loob ng Senado ngayong gabi, dahilan upang mag-lockdown ang buong gusali. Kasaluk...
13/05/2026

BREAKING NEWS: Nagkaroon ng putukan sa loob ng Senado ngayong gabi, dahilan upang mag-lockdown ang buong gusali. Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP ang insidente. Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, unang magpaputok ang Office of the Sergeant at Arms (OSAA), na sinundan ng NBI agents. Ngunit paglilinaw ni NBI Director Melvin Matibag, hindi umano armado ang kanyang mga tauhan.

Address

Paseo De Roxas Avenue
Makati
1226

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AksyonLink posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category