18/08/2026
Sama-sama, Kayang-kaya!
🤝🏼 Safety First sa Barangay Guadalupe Nuevo
Walang imposible kapag nagkakaisa ang mamamayan at ang pamahalaan!
Mabilis na naaksyunan at natanggal ang isang mapanganib na bumagsak na canopy sa isang residential building sa Antipolo St. upang masigurong ligtas ang bawat residenteng dumadaan.
Ang matagumpay na operasyong ito ay naging posible sa gabay ng ating Kapitan Jerry Sunga at sa direktiba ng ating Kagawad JhayR Sinang na gawin ang lahat ng paraan para maiwasan ang anumang aksidente o disgrasya.
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Barangay Guadalupe Nuevo para sa mga sumusunod:
Bureau of Fire Protection - Guadalupe Fire Station para sa mabilis na pagresponde.
Bantay Bayan ng Guadalupe Nuevo sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at trapiko sa lugar.
City Government of Makati - Engineering Department sa kanilang mahalagang tulong at suporta.
Makati C3 / Makati 168 sa mabilis na pag-coordinate at pagpapadala ng boom truck at mga kinakailangang personnel upang alisin ang mapanganib na struktura.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong! Ang inyong mabilis na aksyon at kooperasyon ay tunay na nagpapatunay na sa Guadalupe Nuevo, ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. ❤️💙