22/08/2026
Good news para sa ating mga PWDs na kabilang sa Batch 2 Payout Schedule!
Narito na po ang schedule ng pamamahagi ng inyong mid-year cash incentive at libreng bigas mula sa pamahalaang lungsod at kay Mayora Ate Nancy.
Siguraduhing dala ang inyong PWD ID (original at photocopy na may tatlong (3) signature specimen) para sa mabilis na proseso.
Kung minor ang PWD, magdala ng:
- PWD ID ng minor (original at photocopy)
- Valid ID ng guardian (original at photocopy na may tatlong (3) signature specimen)
Kung guardian lamang ang makakadalo, magdala ng:
- PWD ID ng beneficiary (original at photocopy)
- Valid ID ng guardian (original at photocopy na may tatlong (3) signature specimen)
- Authorization Letter
For the first time, ilulunsad rin ang enrollment sa Landbank ATM system na magpapadali at magpapabilis ng disbursement ng inyong mga benepisyo.
Maraming salamat po!