03/03/2026
✨ PaSKolars 2025 | Post-Event Highlights ✨
Sa pamamagitan ng PaSKolars 2025, opisyal na naipagkaloob ng SK San Antonio – Makati ang ₱10,000 Educational Assistance sa 450 scholars mula Junior High School, Senior High School, College, at Masteral/Doctorate level.
Ang programang ito ay patunay ng aming pagtupad sa aming pangakong suportahan ang edukasyon at bigyan ng konkretong tulong ang bawat kabataang nangangarap at nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan.
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng scholars, magulang, at sa buong komunidad ng San Antonio sa inyong kooperasyon at tiwala. Ang tagumpay ng programang ito ay tagumpay ng buong barangay.
Patuloy ang SK San Antonio sa paglikha ng mga programang dahil naniniwala kami na ang pamumuhunan sa edukasyon ay pamumuhunan sa mas maliwanag na bukas ng kabataan.