Social Housing Finance Corporation

Directions Website Contact the organization

Social Housing Finance Corporation SHFC is the lead government agency to undertake financing of social housing programs.

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Please be advised that effective October 1, 2026, all official business transactions and services p...
30/09/2026

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Please be advised that effective October 1, 2026, all official business transactions and services previously handled by our Samar Office will be permanently transferred to our Tacloban Office.

To ensure a smooth transition, please take note of the following details:

๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป & ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐——๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—น๐˜€
๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€: Weechee Bldg., Brgy. 110, Utap, Zone 4B, Maharlika Highway, Tacloban City, Leyte
๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€: Monday to Thursday | 7:00 AM to 6: 00 PM
Friday | 8:00 AM to 5:00 PM
๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐—ก๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ: 0917-806-4052
๐—˜๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€: [email protected]

๐—–๐— ๐—ฃ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—›๐—™๐—–Labis ang kagalakan ng mga residente sa S...
30/09/2026

๐—–๐— ๐—ฃ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—›๐—™๐—–

Labis ang kagalakan ng mga residente sa Samar at Camarines Norte matapos nilang pormal na matanggap ang kanilang mga titulo ng lupa mula sa Social Housing Finance Corporation (SHFC).

Bilang mga kinatawan ni SHFC President and CEO Federico Laxa, pinangunahan nina Samar Manager Frederick De Real at Daet Accounts Specialist Joherbert Matucad ang paggawad ng mga titulo sa kani-kanilang lugar noong Setyembre 14. Sa Samar, pitong titulo ang iginawad sa mga benepisyaryo mula sa Calbayog City Public School Teachers HOA at Carayman New Village HOA. Samantala, 24 titulo naman ang ipinagkaloob sa mga miyembro ng Luklukan Norte HOAI at Samahang Maralita sa Kanluran HOA sa Camarines Norte.

Ang mga nabanggit na komunidad ay kabilang sa Community Mortgage Program (CMP), isa sa mga programa ng SHFC sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ilalim ng patnubay ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, patuloy ang SHFC sa pagtulong sa mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng sariling, ligtas, disente, at abot-kayang tahanan.


The Social Housing Finance Corporation (SHFC) extends its heartfelt congratulations to Department of Human Settlements a...
29/09/2026

The Social Housing Finance Corporation (SHFC) extends its heartfelt congratulations to Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling on receiving the Distinguished Honorary Fellow from the Gerry Roxas Leadership Awardees Inc.

This prestigious recognition highlights Secretary Alilingโ€™s exemplary public service and commitment to integrity, excellence, and patriotism.

SHFC proudly supports his vision to make dignified, affordable, and accessible housing a reality
for Filipino families.

Mabuhay ka, Secretary Ping!

29/09/2026

LIVE | Proposed Budget Briefing of the Department of Human Settlements and Urban Development and attached agencies and corporations.

28/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Makalipas ang halos tatlong dekada, natupad na ang pangarap ng mga miyembro
ng Bayanihan Homewonersโ€™ Association, Inc. sa Salinas I, Bacoor City, Cavite na mapasakanila
ang lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng Community Mortgage Program, pormal nang natanggap ng mga miyembro
ng asosasyon, kabilang ang kanilang presidente na si Ruelito Garcia, ang kanilang mga titulo.

Sa kanyang , binalikan ni Ruelito ang mahabang pinagdaanan ng kanilang
komunidad at ibinahagi ang saya nang tuluyan nilang mahawakan ang kanilang mga titulo noong
Setyembre 10, sa isinagawang seremonya sa kanilang lugar.

Isang pangarap na matagal na hinintay, ngayoโ€™y tuluyan nang naging realidad.



Sa bawat hapag, pamilya ang pinakamasarap na kasama.Ngayong โ€œKainang Pamilya Mahalaga Day,โ€ sabay-sabay tayong magsalo-s...
28/09/2026

Sa bawat hapag, pamilya ang pinakamasarap na kasama.

Ngayong โ€œKainang Pamilya Mahalaga Day,โ€ sabay-sabay tayong magsalo-salo at pahalagahan ang mga sandaling magkakasama ang pamilya. Dahil higit sa pagkakaroon ng sariling bubong, ang tunay na halaga ng tahanan ay ang pamilyang ligtas, nagkakaisa, at sama-samang bumubuo ng masasayang alaala.

Kaya patuloy ang SHFC sa pagsusulong ng ligtas, disente, at abot-kayang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino.


๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | Please be advised that, pursuant to Memorandum Circular No. 136, Series of 2026, work in all agenci...
27/09/2026

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | Please be advised that, pursuant to Memorandum Circular No. 136, Series of 2026, work in all agencies and instrumentalities of the National Government, including Government-Owned or- Controlled Corporations and State Universities and Colleges, shall be suspended on 28 September 2026 starting 1:00 P.M., relative to the โ€œKainang Pamilya Mahalaga Dayโ€ in the observance of the 34th National Family Week.

Accordingly, all SHFC offices nationwide will close at 1:00 P.M. on September 28 and will resume regular operations on September 29, 2026.

๐—ฆ๐—›๐—™๐—–, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—›๐——๐—› ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผUpang matukoy at mapabilis...
23/09/2026

๐—ฆ๐—›๐—™๐—–, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—›๐——๐—› ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ

Upang matukoy at mapabilis ang mga kinakailangang hakbang para sa agarang paglipat ng mga pamilyang benepisyaryo sa kanilang mga bagong tahanan, pinulong ng Social Housing Finance Corporation (SHFC), sa pangunguna ni President and CEO Federico Laxa, ang mga opisyal ng Balikatan Samahan ng Mapulang Lupa (BSML) at contractor ng proyekto sa tanggapan ng ahensya sa Makati ngayong araw.

Ang BSML sa Barangay Viente Reales, Malanday, Valenzuela City ay kabilang sa mga proyektong isinasagawa sa ilalim ng High Density Housing (HDH) Program, na naglalayong magbigay ng permanenteng tahanan sa mga pamilyang naninirahan danger zones. Mahigit 1,300 pamilya ang inaasahang makikinabang sa nasabing proyekto.

Sa dayalogong pinangunahan ng SHFC, tinalakay ang mga natitirang gawain at kinakailangang hakbang upang mapabilis ang pagkumpleto ng proyekto at maisakatuparan ang paglipat ng mga benepisyaryo sa kanilang mga bagong tahanan ngayong Nobyembre.

Binigyang-diin ni President Laxa ang kahalagahan ng pagtutulungan ng SHFC, BSML, at contractor upang matugunan ang mga kinakailangang aksyon at maiwasan ang mga karagdagang pagkaantala sa proyekto.

Ikinatuwa naman ng mga opisyal ng samahan ang mga napagkasunduan sa pulong, partikular ang mga konkretong hakbang at malinaw na timeline para sa kanilang paglipat sa kanilang mga bagong tahanan.

Kasamang dumalo sa pagpupulong sina Legal Affairs Group Vice President Atty. Melanie Valenciano at HDH Head Joseph Eisma.

Samantala, nakipagpulong din si President Laxa sa mga water utility at fire protection contractor ng iba pang HDH projects, kabilang ang Genesis Ville, Hopeville Phase 2, Alyansa ng Mamamayan sa Caloocan Housing Cooperative, at ALPAS 1 at 2.

Tinalakay sa hiwalay na pagpupulong ang mga konkretong hakbang upang mapabilis ang pagkakabit ng mga kinakailangang utility at matiyak na magiging maayos, ligtas, at komportable ang paglipat ng mga pamilyang benepisyaryo sa kanilang mga bagong komunidad.

Nangako naman ang mga contractor na bibilisan ang kanilang trabaho upang matiyak ang agarang pagkumpleto ng mga kinakailangang pasilidad at maisakatuparan ang paglipat ng unang batch ng mga benepisyaryo sa kanilang mga bagong tahanan pagsapit ng Disyembre.

Nakatakda namang makipagpulong ang SHFC sa Maynilad bukas upang pag-usapan ang mga hakbang para mapabilis ang pagkakabit ng water service at matiyak na matatapos at maita- turnover sa takdang panahon ang mga housing units.

Sa kabuuan, mahigit 2,000 housing units sa ibaโ€™t ibang HDH projects ang target na ma-turnover ng SHFC bago matapos ang taon, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na mapabilis ang paghahatid ng ligtas, maayos, at permanenteng tahanan sa mga pamilyang benepisyaryo.

23/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Isinagawa ng SHFC at DHSUD noong Setyembre 10 ang paggawad ng titulo ng lupa para sa mga miyembro-benepisyaryo ng Bayanihan HOA of Salinas Bacoor, Inc. at Salinas HOA Phase II.

Ating balikan ang kuwento ng tagumpay at pag-asa ni Eulalia Sapanilaโ€”isang inang ginawa ang lahat upang tuluyan nang mapasakanila ang lupang matagal nang kinatitirikan ng kanilang tahanan. Sa tulong ng Community Mortgage Program (CMP) ng SHFC, naisakatuparan ang pangarap niyang bahay na nagbigay-buhay, seguridad, at kapanatagan sa kanilang pamilya.

Ating pakinggan ang kanyang .


Address

BDO Plaza, Paseo De Roxas
Makati

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Social Housing Finance Corporation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Social Housing Finance Corporation:

Shortcuts

Share