03/07/2026
🎓 CONGRATULATIONS, SK OOBI GRADUATES! 🎉
Isang taos-pusong pagbati kina Hon. Aldrin James A. Ramirez, Bachelor of Science in Hotel Management, at Hon. Bernalyn B. Dorado, Bachelor of Science in Business Administration, sa matagumpay na pagtatapos ng kanilang mga kurso.
Ang inyong dedikasyon, sipag, at pagtitiyaga ay nagbunga ng isang napakahalagang tagumpay. Habang patuloy kayong naglilingkod sa ating kabataan at komunidad, nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang kabataang mangarap at magsikap.
Ipinagmamalaki kayo ng buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Oobi. Nawa’y magsilbing simula ang tagumpay na ito ng mas marami pang pagkakataon upang maipakita ang inyong husay at malasakit sa bayan.
🎓 Congratulations, Graduates!
Patuloy na maglingkod, mangarap, at magtagumpay. Ang SK Oobi ay buong pusong sumusuporta at ipinagmamalaki kayo! 💙💛