Barangay Sta. Catalina•Majayjay,Laguna

Barangay Sta. Catalina•Majayjay,Laguna Opisyal na pahayagan ng Pamahalaang Barangay Santa Catalina sa paghahatid ng tapat, wasto, at napapanahong impormasyon para sa publiko.

28/05/2026

Magsama-sama ulit tayo para sa saya at learning na hatid ng PHINMA Union College of Laguna sa Majayjay Laguna!

Bukod sa PHINMAsaya, may exciting at practical learnings ka ring makukuha mula sa Basic Self-Defense at Storytelling na makakatulong sa’yo sa araw-araw at sa pagbuo ng iyong future.

At dahil mas masaya ang samahan kapag may mainit na handa, may libre rin tayong lugaw para sa lahat! Simpleng salo-salo para mas maging warm at welcoming ang ating kwentuhan at bonding bilang isang komunidad.

At kung ready ka na magsimula ng iyong college o SHS journey, may Mobile Enrollment din para sa’yo! Mag-enroll na for as low as ₱250 DP only!

Register now to join (Brgy. Santa Catalina):
https://share.hsforms.com/1gaWZFoVRQRu7ftOcQTwq7Qdu1n5

Register now to join (Brgy. San Miguel):
https://share.hsforms.com/1u71ezQ3SQZSOKa32Qyu-2gdu1n5



PHINMAsaya sa Barangay Santa Catalina Hatid sa atin ng PHINMA UNION COLLEGE OF LAGUNA ang programang ito na puno ng saya...
28/05/2026

PHINMAsaya sa Barangay Santa Catalina

Hatid sa atin ng PHINMA UNION COLLEGE OF LAGUNA ang programang ito na puno ng saya, kaalaman, at pagkakataon para sa bawat mamamayan ng Barangay Santa Catalina! ❤️
📅 MAY 30, 2026
⏰ 8:00AM – 11:30AM
📍 G*t Yantok Covered Court, Majayjay, Laguna
Abangan at makilahok sa mga exciting na aktibidad!

✅ LIBRENG HOT MEAL
✅ WORKSHOP FOR ARNIS
✅ KARAOKE CONTEST
✅ GAMES AND RAFFLE DRAW
✅ STORY TELLING para sa mga mag-aaral
✅ MOBILE ENROLLMENT para sa Incoming SHS at College Students

Inaanyayahan po namin ang lahat na dumalo at makisaya kasama ang buong komunidad! 💙
See you po! 🥳

Isinagawa ngayong Mayo 23, 2026 ang Lingguhang Paglilinis ng buong Sangguniang Barangay Santa Catalina sa bahagi ng Tula...
23/05/2026

Isinagawa ngayong Mayo 23, 2026 ang Lingguhang Paglilinis ng buong Sangguniang Barangay Santa Catalina sa bahagi ng Tulay at OOBI River na nasasakupan ng Barangay Santa Catalina. (Balagtas St.)

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating kapaligiran para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Patuloy po nating suportahan at pangalagaan ang ating barangay para sa mas malinis at maayos na komunidad. 💚




PHINMAsaya sa Brgy. Santa Catalina is here!🎊Sama-sama tayong magdiwang at maki-join sa saya sa darating na Mayo 30,2026 ...
22/05/2026

PHINMAsaya sa Brgy. Santa Catalina is here!🎊

Sama-sama tayong magdiwang at maki-join sa saya sa darating na Mayo 30,2026 sa G*t Yantok Covered Court, Majayjay, Laguna 8:00 ng umaga.

Hatid ng PHINMA Union College of Laguna ang isang masayang araw na puno ng kwentuhan, tawanan, at mga oportunidad para sa pangarap mo.

Selebrasyon ito ng komunidad—welcome ang lahat! Isama na ang pamilya at barkada. 💙

Ito ang mga naghihintay sayo:
🎉 Raffle prizes
🛠️ Workshops
🎯 Fun activities for everyone

Para sa iba pang detalye maaring makipag ugnayan kina PB. James Gonzaga at Kwgd. Mel Chua para sa mga kabataan at mamamayan ng Barangay Sta. Catalina

Sign up here (Brgy. Santa Catalina):
https://share.hsforms.com/1gaWZFoVRQRu7ftOcQTwq7Qdu1n5

Sign up here (Brgy. San Miguel):
https://share.hsforms.com/1u71ezQ3SQZSOKa32Qyu-2gdu1n5



21/05/2026
21/05/2026

𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗝𝗔𝗬𝗝𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗜𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Isang mahalagang hakbang para sa pagpapaunlad ng turismo, kultura, at sining sa Bayan ng Majayjay ang isinulong ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗹𝗴. 𝟭𝟴𝟵-𝟮𝟬𝟮𝟲, akda ng inyong lingkod, 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗱 𝗘𝗿𝗶𝗴𝗮.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, inaatasan ang apatnapung 𝗮𝗽𝗮𝘁𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝗴 (𝟰𝟬) 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 sa bayan ng Majayjay na magtatag at magsama ng “𝗞𝗼𝗺𝗶𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼, 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴” bilang bahagi ng kanilang mga komite sa Sangguniang Barangay.

Layunin nitong mapalakas ang ugnayang grassroots at higit na mapangalagaan at maisulong ang mayamang kultura, kasaysayan, sining, at turismo ng bawat barangay sa Majayjay.

Batay sa resolusyon, mahalagang magkaroon ng mas organisado at pormal na estruktura sa barangay upang mas mapalapit sa mamamayan ang mga programang pangkultura at pangturismo ng munisipyo.

Isang hakbang tungo sa mas makulay, mas makasaysayan, at mas maunlad na Majayjay para sa susunod na henerasyon.



MAYO 16, 2026 | Nagsagawa ngayong araw ng lingguhang paglilinis sa Tulay at tapat ng Barangay Hall ng Sta. Catalina kasa...
16/05/2026

MAYO 16, 2026 | Nagsagawa ngayong araw ng lingguhang paglilinis sa Tulay at tapat ng Barangay Hall ng Sta. Catalina kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating kapaligiran para sa kapakanan ng bawat mamamayan. Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan ng ating komunidad tungo sa mas maunlad at mas malinis na Barangay Sta. Catalina.

ANNOUNCEMENT!REGISTRATION FOR  School Year 2026-2027Sta Catalina  Child Development Center is now accepting Day Care Lea...
16/05/2026

ANNOUNCEMENT!

REGISTRATION FOR School Year 2026-2027

Sta Catalina Child Development Center is now accepting Day Care Learners Enrollees for School Year 2026 to 2027

What to bring:
📌 Photocopy of Birth Certificate
📌 Photocopy of Immunization Card

Maligayang Kaarawan, Mayor Romeo Amorado! 🎉Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at mahabang ...
13/05/2026

Maligayang Kaarawan, Mayor Romeo Amorado! 🎉

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at mahabang buhay upang maipagpatuloy ang inyong tapat at mahusay na paglilingkod sa bayan ng Majayjay. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, pagmamahal, at suporta para sa ating mga mamamayan.

Hangad po namin ang mas marami pang biyaya at tagumpay para sa inyo at sa inyong pamilya. Mabuhay po kayo, Mayor Romeo Amorado! 🎂🎈💙

Address

Majayjay
4005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sta. Catalina•Majayjay,Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share