Mayor Romeo Amorado

Mayor Romeo Amorado Municipal Mayor of Majayjay, Laguna Philippines. 2022...


(2)

Kalye ARELLANO, PANSAMANTALANG ISASARA.
10/04/2026

Kalye ARELLANO, PANSAMANTALANG ISASARA.

ANUNSIYO PUBLIKO

10 Abril 2026
PANSAMANTALANG ISASARA

Simula bukas, 11 ABRIL 2026 (Sabado), ay sisimulan na po ang pagkukumpuni o maintenance work ng Kalye/Tulay ARELLANO sa Barangay San Miguel.

Ayon po sa ating Pambayang Inhinyero, Engr. Fred Geraldo, ang ruta pong ito ay para sa 4-wheeler vehicles. Ang mga tricycle at 2-wheeler ay maaari pa ring dumaan sa tulay sa may simbahan na nagdudugtong sa San Francisco at Santa Catalina. Gayundin, 2-way para sa kanila ang Kalye Blumentritt.

Ang pagawaing ito ay upang maging mas matibay ang nabanggit na kalsada para sa ating kaligtasan at pag-unlad ng bayan. Ito ay tinatayang matatapos sa loob ng sampung (10) araw. Inaasahan po ang pagsunod ng publiko sa pansamantalang ruta ng trapiko.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakiki-isa.



Mayor Romeo Amorado
Vice Mayor Ariel Arcenal Argañosa

07/04/2026

BARANGAY ASSEMBLY 2026
MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Congratulations po sa lahat ng Kapitan at Sangguniang Barangay sa katagumpayan ng katatapos na Barangay Assemblies. Binabati ko kayo sa maayos na programa, malinaw na pag-uulat at accomplishments ng bawat isa.

Nawa ay ipagpatuloy po natin ang pagkakapit-bisig at masigasig na paglilingkod sa ating mga kababayan para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ating minamahal na Bayan ng Majayjay.

Maraming salamat po. Mabuhay!



MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE

5 April "He is not here for He is risen"To the faithful believers, may the benefits and blessings that the resurrection ...
05/04/2026

5 April


"He is not here for He is risen"

To the faithful believers, may the benefits and blessings that the resurrection brings be upon us all.


MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE

P A B A T I D !!!5 ABRIL 2026Kalye ARELLANO, maaari pa ring daanan ng mga motorista Ang pansamantalang pagsasara ng Kaly...
05/04/2026

P A B A T I D !!!
5 ABRIL 2026
Kalye ARELLANO, maaari pa ring daanan ng mga motorista

Ang pansamantalang pagsasara ng Kalye/Tulay ARELLANO sa Brgy. San Miguel na Naka iskedyul bukas (ABRIL 6) para sa pag sasa-ayos nito ay POSTPONED po. Kaya't maaari pa rin dumaan sa nabanggit na kalsada ang mga motorista.

Abangan na lamang po ang aming anunsiyo kung KAILAN SISIMULAN ang pagawaing ito.

Salamat po.

ANUNSIYO PUBLIKO

Simula sa ABRIL 6, 2026 ay isasara po ang kalye/tulay ARELLANO sa Barangay San Miguel. Ito ay upang isagawa ang pagkukumpuni ng nabanggit na tulay para maging mas matibay at mas ligtas na daanan.

Narito po ang bagong ruta ng trapiko na ating susunduin hanggang sa matapos ang pagawain. Paunang pasasalamat po sa inyong pang-unawa.


. Mayor Romeo Amorado
Vice Mayor Ariel Arcenal Argañosa

03/04/2026

3 April 2026
Good Friday

For God so loved the world that He gave His only begotten son, for whosoever believeth in Him shall not perish but have everlasting life. - John 3:16

As we remember our heavenly Father's great love for us and Jesus Christ's ultimate sacrifice on the cross of calvary for the remission of our sins, let us imitate His kindness towards mankind by selflessly serving one another.

May we all have a meaningful and blessed lent.


MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE
Romeo Perez Amorado

Isang matagumpay na araw po ang aking pagbati sa sa ating minamahal na mga g**o, magulang, panauhin at sa inyong lahat n...
01/04/2026

Isang matagumpay na araw po ang aking pagbati sa sa ating minamahal na mga g**o, magulang, panauhin at sa inyong lahat na magsisipagtapos sa taong ito..

Ang araw na ito ay espesyal sapagkat ipinagdiriwang natin ang inyong pagtatapos, “Class of 2026”. Ang seremonyang ito ang naglalagay ng selyo sa inyong pangarap na minithing makamtan at ngayon ay nagkaroon ng katuparan.

Buong-puso ang aking pagbati sa inyong lahat sa katatagan at determinasyon na inyong ipinakita habang lumalaban sa mga hamon upang umabot sa araw na ito at tanggapin ang inyong diploma.

Ang inyong pagkatao ay hinubog upang maging mabubuting mamamayan na ikararangal ng ating bayan. Ang bawat isa sa inyo ay inihanda upang magkaroon ng kakayahang mamuno sa anumang larangan at maging kapaki-pakinabang sa ating komunidad. Tandaan na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pag-unlad ng sariling buhay, Kundi sa kung paano ninyo magagamit ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan.

Anoman o saan man kayo makarating ay huwag ninyong kalilimutan pasalamatan ang mga magulang na una ninyong naging g**o sa sariling tahanan, ang kanilang mga turo at sakripisyo upang kayo ay makapag-aral. Gayundin, marapat na pasalamatan ang inyong mga g**o at namumuno sa paaralan na inyong naging pangalawang magulang. Ang kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa pagtuturo ang naghatid sa inyo sa entabladong ito.

Sa paglabas ninyo sa bulwagang ito, inyo nawang baunin ang lahat ng natutunan at gamitin ang mga iyon sa pagharap sa mas malawak na mundong inyong gagalawan. Dahil dito ay may tapang at lakas kayong harapin ang panibagong hamon ng buhay. Kalakip ang pagtitiwala sa Diyos, naniniwala ako na anumang pagsubok ay inyong kakayaning mapagtagumpayan.

Muli, CONGRATULATIONS Class of 2026! Mabuhay ang Kabataang Pilipino!

Simbolo ng pagkakaisa ng  Majayjay Mps Laguna , ng Pamahalaang Bayan at komunidad. Maraming salamat po sa bawat isang na...
24/03/2026

Simbolo ng pagkakaisa ng Majayjay Mps Laguna , ng Pamahalaang Bayan at komunidad. Maraming salamat po sa bawat isang naging bahagi ng matagumpay na proyektong ito. Mabuhay!



MAJAYJAY PUBLIC INFORMATION OFFICE

23/03/2026

Address

Majayjay
4005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Romeo Amorado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share