25/11/2021
Matagumpay na naigawad ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga Agrarian Reform Beneficiaries sa bayan ng La Paz, Leyte noong ika-25 Nobyembre 2021.
Tatlong Agrarian Reform beneficiaries sa bayan ng La Paz, Leyte ay tuluyang natanggap ang lupa na may kabuuang 6.6 ektarya na iginawad sa kanila ng gobyerno. Pinangunahan ito ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Probinsiya ng Leyte sa pangunguna ni Sheriff Joseph Catingub, DAR Leyte Province ang nasabing aktibidad.
Bilang suporta narin sa programa ng nasabing kagawaran, nag bigay ng suportang pang siguridad ang inyong mga kasundaluhan mula sa Alpha "Achiever" Company ng 14th Infantry Battalion sa pangunguna ni 1LT FEBRYAN G JIMENEZ (INF) PA para masiguro ang kaligtasan ng mga kawani ng nasabing ahensya.
Sa nasabing aktibida, tinukoy ang hanganan ng mga lupang iginawad sa mga benipisyaryo at linagyan ng mga paunang pananda. Kasabay nito, iginawad sa mga benipisyaryo sa mismong lugar ang Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) at ito naman ay kanila lubos na ikinagalak.
Ang nasabing programa ay alinsunod parin sa Executive Order Number 70 o ang Whole-of-Nation Approach, sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform na naglalayong mabigyan ang mga walang lupang magsasaka at manggagawang bukid ng pagmamay-ari ng mga lupang agrikultural para may magagamit na silang sariling lupang pangkabubayan at di na muling malinlang ng mga propagandang pang agrikultural ng kumunistang CPP NPA NDF.
802nd Infantry (Peerless) Brigade, 8ID, Philippine Army
14th Infantry "Avenger" Battalion, Philippine Army