Business Permit Licensing Office-LGU Magsaysay Occ. Mindoro

Business Permit Licensing Office-LGU Magsaysay Occ. Mindoro Public & Government Service

29/01/2026

PABATID:

Ipinapaalam sa lahat ng Business owners at applicants na ang HULING ARAW ng Business One-Stop Shop (BOSS) para sa renewal ng business permit ay sa Enero 30, 2026 (Friday) sa loob ng Municipal Hall, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM lamang po.

Mangyaring agahan at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maiwasan ang penalties at surcharges.

BPLO, LGU Magsaysay, Occidental Mindoro

21/01/2026

PABATID SA LAHAT NG BUSINESS TAXPAYERS

Ipinapaalam po na pina haba ang deadline ng renewal ng Business License at Mayor’s Permit hanggang Enero 31, 2026, alinsunod sa Resolution No. 099, Series of 2026 ng Sangguniang Bayan ng Magsaysay.

Walang penalty, surcharge, o interest hanggang sa nasabing petsa.

Mangyaring magtungo sa BPLO – Municipality of Magsaysay para sa inyong renewal.

Nasa ika-10 araw na po tayo ng Business One-Stop Shop (BOSS). Inaanyayahan po namin ang lahat ng hindi pa nakakapag-rene...
16/01/2026

Nasa ika-10 araw na po tayo ng Business One-Stop Shop (BOSS). Inaanyayahan po namin ang lahat ng hindi pa nakakapag-renew na samantalahin ang mabilis at maginhawang proseso habang bukas pa ang BOSS.

Iwasan po natin ang surcharge at penalty na ipapataw pagkatapos ng itinakdang panahon.
Mag-renew na po ngayon upang maiwasan ang abala at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng inyong negosyo. Maraming salamat po.

15/01/2026

Ang Dental Clinic, maging ito man ay pag-aari ng isang lisensyadong dentista at nagbibigay ng propesyonal na serbisyo, ay itinuturing na isang business establishment kapag ito ay may pisikal na klinika, regular na operasyon, at tumatanggap ng bayad mula sa publiko. Dahil dito, REQUIRED itong kumuha ng Business/Mayor’s Permit mula sa Lokal na Pamahalaan (LGU) kung saan ito nag-ooperate.

Alinsunod sa Republic Act No. 7160 (Local Government Code of 1991), may kapangyarihan ang LGU na mag-regulate at mag-isyu ng permit sa lahat ng negosyo at propesyonal na establisimyento na may operasyon sa loob ng kanilang nasasakupan, bilang bahagi ng police power upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kaayusan ng publiko.

Ang Professional Regulation Commission (PRC) license ng dentista at ang DOH accreditation o permit ng klinika, kung mayroon, ay hindi kapalit ng Business Permit ng LGU. Ang mga ito ay patunay lamang ng professional qualification at compliance sa health standards, samantalang ang Business Permit ng LGU ay kinakailangan upang masiguro ang pagsunod sa:

1. Zoning at land use ordinances
2. Fire Safety, Building at Occupancy requirements
3. Sanitation at waste disposal standards
4. Iba pang lokal na regulasyon sa negosyo

Dagdag pa rito, sa ilalim ng Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business Act), malinaw na ang lahat ng establisimyentong may pisikal na operasyon sa isang LGU ay kailangang dumaan sa business permitting process, maliban lamang kung may hayag at tiyak na exemption sa batas, na wala para sa Dental Clinics.

SAMAKATUWID:

Ang Dental Clinic ay REQUIRED kumuha ng Business/Mayor’s Permit mula sa LGU.

Ang PRC license at DOH permit ay supplemental requirements lamang, hindi kapalit ng business permit.

Ang operasyon ng Dental Clinic nang walang Business Permit ay maaaring magresulta sa penalty, closure, o iba pang administrative sanctions, alinsunod sa umiiral na ordinansa

15/01/2026

Ang Small Town Lottery (STL) ay isang laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pinapatakbo sa pamamagitan ng Authorized STL Operators at kanilang mga STL Stations / Collection Centers. Bagama’t ang STL ay may Authority to Operate o Contract of Agreement mula sa PCSO, ito ay HINDI nangangahulugan na exempted na ito sa pagkuha ng Business/Mayor’s Permit mula sa Lokal na Pamahalaan (LGU).

Alinsunod sa Republic Act No. 7160 (Local Government Code of 1991), may malinaw na kapangyarihan ang LGU na iregulate ang lahat ng negosyong may pisikal na operasyon sa loob ng kanilang teritoryo, kabilang ang STL Stations, Collection Centers, at Offices, bilang bahagi ng police power ng pamahalaang lokal.

Ang PCSO Authority para sa STL ay limitado lamang sa pahintulot na magsagawa ng STL operations bilang ahente o operator ng PCSO. Ito ay hindi kapalit ng Business Permit ng LGU, na kinakailangan upang masiguro ang pagsunod sa mga sumusunod:

1. Zoning at land use ordinances
2. Fire Safety, Building at Occupancy requirements
3. Sanitation at public safety standards
4. Local business regulations at monitoring

Walang probisyon sa PCSO Charter (RA 1169, as amended) o sa STL Contract of Agreement na hayagang nagsasaad na ang STL Stations o Collection Centers ay exempted sa pagkuha ng Business Permit ng LGU. Dahil dito, nanatiling may hurisdiksyon ang LGU sa pagbibigay ng Mayor’s Permit sa lahat ng STL na nag-ooperate sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa rito, sa ilalim ng Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act), malinaw na ang lahat ng negosyong may pisikal na presensya at operasyon sa isang LGU ay kailangang dumaan sa proseso ng business permitting, maliban lamang kung may tiyak at hayagang exemption na itinatadhana ng batas, na wala para sa STL.

SAMAKATUWID:

Ang STL Station / STL Collection Center ay REQUIRED kumuha ng Business/Mayor’s Permit mula sa LGU kung saan ito aktwal na nag-ooperate.

Ang PCSO Authority o STL Contract ay hindi sapat upang makapag-operate nang walang lokal na permit.

Ang operasyon ng STL nang walang Business Permit ay maaaring magresulta sa pagpapataw ng penalty, pagsasara ng establisimyento, o iba pang administrative sanctions, alinsunod sa umiiral na ordinansa ng LGU.

4 days ng BOSS with SSS representative
08/01/2026

4 days ng BOSS with SSS representative

06/01/2026

Inaanyayahan namin ang lahat ng Business Taxpayers sa Bayan ng Magsaysay, na mag-renew ng kanilang Business Permit nang maaga upang maiwasan ang karampatang multa, surcharge, at interes na itinakda ng umiiral na mga batas at ordinansa.

Ang maagang pag-renew ay makatutulong sa mas mabilis at maayos na transaksyon, gayundin sa pag-iwas sa abala at pagsisiksikan sa mga huling araw ng aplikasyon.

Inaanyayahan ang lahat ng negosyante na samantalahin ang Business One-Stop Shop (BOSS 2026) para sa madali at maayos na pagproseso ng Business Permit.

Enero 02 hanggang Enero 20, 2026
Bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro

01/05/26 1ST DAY OF BUSINESS ONE STOP SHOP
06/01/2026

01/05/26 1ST DAY OF BUSINESS ONE STOP SHOP

Address

Magsaysay Municipal Hall-JP Laurel Street Barangay Poblacion
Magsaysay
5101

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Business Permit Licensing Office-LGU Magsaysay Occ. Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share