11/02/2026
Isinagawa ang ๐๐ฎ๐๐ผ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ sa SB Hall ng Magsaysay, Occidental Mindoro noong Pebrero 10, 2026 upang matiyak na ang lahat ng gasoline stations sa bayan ay sumusunod sa mga regulasyon ng Department of Energy (DOE) at sa mga umiiral na lokal na ordinansa. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng LGU at ng mga operators at malinaw na maipabatid ang mga kinakailangang proseso para sa legal at ligtas na operasyon ng mga istasyon.
Nagsimula ang programa sa panalangin at pag-awit ng pambansang awit, na sinundan ng pambungad na pahayag ni Lord Priam V. Cordova, Municipal Planning and Development Coordinator at GSTF Vice-Chairman. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa teknikal at legal na pamantayan bilang bahagi ng responsableng operasyon ng mga fuel retail outlets.
Sa talakayan ng mga agenda, unang tinalakay ang mga requirements para sa pag-renew ng Technology Solution Retail Outlets (TSRO) at Liquid Fuels Retail Outlets (LFRO). Ipinaliwanag ang mga dokumentong kailangang isumite mula sa ibaโt ibang lokal na tanggapan at ang mga permit na kailangan mula sa LGU bilang bahagi ng pagkuha o pag-renew ng DOE Certificate of Compliance.
Kasunod nito, napag-usapan ang kalagayan ng mga non-compliant na istasyon. Nilinaw na ang mga ito ay bibigyan ng pagkakataong makasunod sa pamamagitan ng pagsusumite ng kulang na dokumento at pag-aayos ng kanilang mga permit sa loob ng itinakdang panahon.
Tinalakay rin ang usapin kung pwedeng mag-issue ng temporary permits ang LGU para sa aplikasyon ng Certificate of Compliance (COC) sa DOE. Napagkasunduan na ang mga kaukulang dukomento para renewal ng business permit gaya nang COC ng DOE ay isasagawa bago o hangang March 13, 2026 lamang.
Ipinaliwanag na kapag hindi tumupad ang isang operator sa mga itinakdang kondisyon ng temporary permit o nabigong kumpletuhin ang mga requirement sa loob ng ibinigay na panahon, maaaring patawan ng kaukulang penalties alinsunod sa umiiral na lokal na ordinansa at regulatory rules.
Sumunod na ipinresenta ang schedule ng joint inspection at calibration ng mga istasyon. Ipinaalam din ang mga hakbang laban sa mga mananatiling hindi sumusunod, kabilang ang pag-isyu ng cease-and-desist order at ang posibleng pagsasara ng operasyon kung kinakailangan.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, binigyang-diin ang mga hakbang para sa patuloy na compliance at binuksan ang talakayan para sa iba pang concerns sa open forum.
nagtapos ang conference sa closing remarks ni Evelyn R. Fronda, Municipal Treasurer at GSTF Chairman. Sa kabuuan, ang aktibidad ay nakatuon sa pagpapaigting ng regulasyon sa mga gasolinahan at sa pagsusulong ng kaligtasan at maayos na operasyon sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa pambansa at lokal na batas.