08/04/2026
//๐บ๐ฌ๐ณ๐ฌ๐ต๐ฎ๐ฌ๐ต//
Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong ng Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) na pinamunuan ni ๐๐จ๐ง. ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐. ๐๐๐ซ๐๐, Vice Mayor para sa 1st Quarter ng taon 2026 na ginanap noong ika 26 ng Marso 2026 sa Municipal Conference Hall ng Bayan ng Magsaysay, Palawan. Kaugnay nito ay pormal ng pinakilala ni Mam Marissa U. Zumarraga PDO III ang bagong modality ng ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐พ๐๐ฟ๐๐- ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ค๐จ ( ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ข๐ข๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ). Pinangunahan ito ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Pโs) at dinaluhan ng ibaโt ibang kinatawan mula sa mga katuwang na ahensya ang ๐ฌ๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐
๐ฒ๐๐ผ๐๐บ๐
๐ถ๐พ๐
๐ฟ๐บ๐๐พ ๐บ๐๐ฝ ๐ฃ๐พ๐๐พ๐
๐๐๐๐พ๐๐ ๐๐ฟ๐ฟ๐๐ผ๐พ (๐ฌ๐ฒ๐ถ๐ฃ๐ฎ), ๐ฒ๐๐๐๐บ๐๐๐บ๐ป๐
๐๐๐ ๐ซ๐๐๐พ๐
๐๐๐๐๐ฝ ๐ฏ๐๐๐๐๐บ๐ (๐ฒ๐ซ๐ฏ), ๐ฏ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐ข๐๐บ๐๐ ๐ฆ๐๐บ๐๐ฝ (๐ฏ๐ข๐ฆ) , ๐ก๐๐๐พ๐บ๐ ๐๐ฟ ๐ฅ๐๐๐พ ๐ฏ๐๐๐๐พ๐ผ๐๐๐๐ (๐ก๐ฅ๐ฏ), ๐ฏ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐พ ๐ญ๐บ๐๐๐๐๐บ๐
๐ฏ๐๐
๐๐ผ๐พ (๐ฏ๐ญ๐ฏ), ๐ฌ๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐
๐ก๐๐ฝ๐๐พ๐ ๐๐ฟ๐ฟ๐๐ผ๐พ, ๐ฌ๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐
๐ ๐ผ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฟ๐ฟ๐๐ผ๐พ, ๐ฌ๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐
๐ณ๐๐พ๐บ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐๐ผ๐พ ๐บ๐ ๐ฌ๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐
๐ข๐๐๐๐
๐ฑ๐พ๐๐๐๐๐๐บ๐, upang talakayin ang layunin, estratehiya, at mekanismo ng pagpapatupad ng programa na naglalayong palakasin ang katatagan ng mga komunidad.
Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok ng bawat ahensya upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon ng proyekto.
Layunin ng PCRP na makapaghatid ng inklusibo, matibay, at pangmatagalang solusyon sa mga pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa aspeto ng kahandaan, pag-iwas, at pagtugon sa mga sakuna. Sa pamamagitan ng KALAHI-CIDSS, patuloy na isinusulong ang diwa ng bayanihan, transparency, at partisipatibong pamamahala bilang pundasyon ng kaunlaran.
Sa kabuuan, ang pagpupulong na ito ay nagsilbing mahalagang hakbang tungo sa mas pinagtibay na ugnayan ng mga ahensya at mas malinaw na direksyon para sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektoโpara sa isang ligtas, handa, at matatag na komunidad para sa lahat.