Magpet - Municipal Planning and Development Office

Magpet - Municipal Planning and Development Office Building a better, sustainable, and inclusive community through effective planning, coordination, and development. ๐Ÿ—๏ธ๐ŸŒฟ

Tingnan || Nagsagawa ngayong araw ang mga personnel ng LGU Magpet, katuwang ang LPMC, ng 2nd Quarter Monitoring sa iba't...
03/06/2026

Tingnan ||

Nagsagawa ngayong araw ang mga personnel ng LGU Magpet, katuwang ang LPMC, ng 2nd Quarter Monitoring sa iba't ibang proyektong pang-imprastraktura na kasalukuyang ipinapatupad sa bayan.

Kabilang sa mga minonitor na proyekto ang:

*Sallab Farm-to-Market Road (FMR)
*Construction of Slope Protection Along Mabato-Timodos Road Section
*Construction of Multi-Purpose Pavement at Sitio Salingsing, Brgy. Amabel

Layunin ng monitoring na ito na masuri ang progreso at kalidad ng implementasyon ng mga proyekto, matiyak ang wastong paggamit ng mga pondo, at matugunan ang mga isyu at hamon upang masiguro ang napapanahon at maayos na pagkumpleto ng mga ito.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU Magpet at LPMC, patuloy na pinapalakas ang transparency, accountability, at mahusay na pamamahala sa pagpapatupad ng mga proyektong naglalayong mapabuti ang imprastraktura, kaligtasan, at kabuhayan ng mga mamamayan.

Ang gawaing ito ay patunay ng ating sama-samang hangarin na makapaghatid ng dekalidad at pangmatagalang serbisyo para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Magpet.

Bilang bahagi ng inisyatiba ng Local Project Monitoring Committee mula sa Pamahalaang Bayan ng Magpet, isinagawa ngayong...
26/05/2026

Bilang bahagi ng inisyatiba ng Local Project Monitoring Committee mula sa Pamahalaang Bayan ng Magpet, isinagawa ngayong araw, Mayo 26, 2026, ang Pilot Testing ng Local Project Monitoring "Community" o LPMC.

Layunin ng programang ito na mas mapalapit sa komunidad ang proseso ng pagmomonitor ng mga proyektong isinasagawa sa Bayan ng Magpet, sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang mga komento, obserbasyon, at suhestiyon.

Naging katuwang ng LPMC Secretariat ang mga SPES o Special Program for Employment of Students, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong bumisita sa mga proyekto, magsagawa ng obserbasyon, at magbahagi ng kanilang feedback gamit ang Satisfaction Survey. Sa pamamagitan nito, hindi lamang ang pisikal na anyo ng proyekto ang kanilang nasuri, kundi pati na rin ang epekto nito sa komunidad.

Inaasahan na sa mga susunod na linggo ay malalagyan na ng QR Code ang bawat proyekto ng Bayan upang mas mapalawak pa ang partisipasyon ng mga Magpeteรฑo sa makabuluhang inisyatibang ito.

Dahil sa Magpet, mahalaga ang boses ng bawat mamamayan sa pagpapaunlad ng ating komunidad.

"For the SECOND time, our office wholeheartedly takes pride in."
23/04/2026

"For the SECOND time, our office wholeheartedly takes pride in."

Our Visitors Have Arrived!!!Bumisita ang Philippine Statistics Authority (PSA) - Cotabato Province, sa pangunguna ni Ms....
16/04/2026

Our Visitors Have Arrived!!!

Bumisita ang Philippine Statistics Authority (PSA) - Cotabato Province, sa pangunguna ni Ms. Norhayyah A. Tula, OIC-Chief Statistical Specialist, sa Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng Magpet para sa pormal na turnover ng Community-Based Monitoring System (CBMS).

Mahalaga ang CBMS sapagkat nagbibigay ito ng maaasahang datos sa antas ng bawat sambahayan na nagsisilbing gabay ng lokal na pamahalaan sa paggawa ng mga desisyong nakabatay sa datos at sa pagtiyak na ang mga programa ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Nagkaroon din ng orientation para sa mga kawani ng MPDO upang ipakilala ang nilalaman at mga bagong features ng CBMS. Ang nasabing datos ay magagamit ng LGU, lalo na ng Planning Office, sa paghahanda ng mga development plan, pagtukoy ng mga prayoridad na programa, tamang paglalaan ng pondo, at pagsubaybay sa mga proyekto at inisyatiba ng bayan.

Ang inisyatibong ito ay nagpapatibay sa layunin ng isang responsibo at evidence-based na pamamahala para sa mamamayan ng Magpet.

Brace for something new in the LPMC!Today, the LPMC successfully conducted its 1st Quarter Regular Meeting to plan and d...
23/03/2026

Brace for something new in the LPMC!

Today, the LPMC successfully conducted its 1st Quarter Regular Meeting to plan and discuss upcoming initiatives and activities for the 2nd quarter of the year.

Committee members were present and actively shared their ideas and suggestions to further strengthen the LPMCโ€”especially in preparation for the upcoming assessment.

Stay tuned for more updates as we continue to move forward and make things happen!

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป ||Sa pangalawang araw ay patuloy ang pagsasagawa ng Local Project Monitoring Committee ng inspeksyon sa iba't-ib...
19/03/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป ||

Sa pangalawang araw ay patuloy ang pagsasagawa ng Local Project Monitoring Committee ng inspeksyon sa iba't-ibang proyekto na makikita sa Bayan ng Magpet gaya ng:

*๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข-๐๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž ๐๐š๐ฏ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ @ ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐‹๐š๐ฆ๐›๐จ๐ฒ, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐Š๐š๐ฆ๐š๐๐š
*๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง/๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐ฒ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐
*๐’๐ข๐ญ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐๐ž๐ฐ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐’๐ข๐ญ๐ž

Layunin ng LPMC na siguraduhing maayos na naisasakatuparan ang mga proyekto para sa buong Magpeteรฑo.

#๐˜œ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜œ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜—๐˜ข๐˜”๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง ||Nagsagawa ngayong araw ang Local Project Monitoring Committee sa Bayan ng Magpet ng 1st Quarter Regular Monito...
18/03/2026

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง ||

Nagsagawa ngayong araw ang Local Project Monitoring Committee sa Bayan ng Magpet ng 1st Quarter Regular Monitoring and Evaluation Activity.

Ilan sa mga binisita ng LPMC ay ang mga natapos na Multipurpose Pavement ng Brgy. Bantac at Amabel.

Binista rin ng LPMC ang Construction of Magpet to Davao Road na makikita sa Brgy. Sallab na Pinondohan ng DPWH Regional Office katuwang ang Plus Construction Industries Corporation upang tingnan ang Physical Status at ang Progress ng nasabing proyekto.

#๐”๐ฌ๐ฐ๐š๐ ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐ž๐ญ๐”๐ฌ๐ฐ๐š๐ ๐๐š๐Œ๐จ๐ซ๐ž

๐Ÿ“ข๐๐€๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐Ž: Sugod karong Marso 9, 2026, ang atong Munisipyo magsugod na sa ๐Ÿ’-๐ƒ๐š๐ฒ ๐–๐จ๐ซ๐ค ๐–๐ž๐ž๐ค subay sa Memorandum Circular 1...
11/03/2026

๐Ÿ“ข๐๐€๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐Ž:
Sugod karong Marso 9, 2026, ang atong Munisipyo magsugod na sa ๐Ÿ’-๐ƒ๐š๐ฒ ๐–๐จ๐ซ๐ค ๐–๐ž๐ž๐ค subay sa Memorandum Circular 114.

Aron mapadayon ang paspas ug epektibong serbisyo publiko ilawom niining bag-ong sistema, palihug Timaan sa mga musunod nga kausaban:

๐Ÿ•’ ๐๐€๐†-๐Ž๐๐† ๐Ž๐‘๐€๐’ ๐’๐€ ๐Ž๐๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€
๐€๐๐ฅ๐š๐ฐ: ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ญ๐จ๐ ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ

๐Ž๐ซ๐š๐ฌ: ๐Ÿ•:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ญ๐จ๐ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ

๐Ÿ›ก๏ธ MAGPADAYON ANG SERBISYO
Ang mosunod nga mga opisina magpabiling BUKAS sulod sa regular schedule aron masiguro ang seguridad ug panglawas sa tanan:

LDRRMO (Local Disaster Risk Reduction & Management Office)

MHO (Municipal Health Office)

Pahinumdom: Ang uban pang opisina sa munisipyo SERADO matag Biyernes. Giawhag ang tanan sa paghikay sa inyong mga transaksyon ug pagbisita sulod sa Lunes hangtod Huwebes.

Daghang salamat sa inyong padayong pagsabot ug kooperasyon! ๐Ÿค



๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐จ ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐€๐๐š๐ฒ๐š, ๐‘๐Œ๐, ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐„๐ฑ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! ๐ŸŽ‰
26/02/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐จ ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐€๐๐š๐ฒ๐š, ๐‘๐Œ๐, ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐„๐ฑ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! ๐ŸŽ‰

Tingnan || Bumisita ngayong araw sa Pamahalaang Bayan ng Magpet si Atty. John Paul D. Macababbad at Engr. Christopher S....
13/02/2026

Tingnan ||

Bumisita ngayong araw sa Pamahalaang Bayan ng Magpet si Atty. John Paul D. Macababbad at Engr. Christopher S. Capistrano bilang kinatawan ni Regional Director Atty. Pablito C. Benedian Jr. ng Land Transportation Franchising and Regulatory Office XII upang ipagkaloob ang ๐๐จ๐ญ๐ข๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐‘๐จ๐ฎ๐ญ๐ž ๐๐ฅ๐š๐ง (๐‹๐๐“๐‘๐).

Ang ๐—Ÿ๐—ฃ๐—ง๐—ฅ๐—ฃ ay plano ng LGU kung paano aayusin at pamamahalaan ang mga ruta ng pampublikong sasakyan sa bawat lugar.

Malugod naman silang tinanggap ni ๐–ฌ๐–บ๐—’๐—ˆ๐—‹ ๐–ฉ๐–บ๐—’ ๐–ซ๐–บ๐—Ž๐—‹๐–พ๐—‡๐–ผ๐–พ ๐–ฒ. ๐–ฆ๐—ˆ๐—‡๐—“๐–บ๐—€๐–บ at nagkaroon ng maikling programa at pagpaparangal.

#๐˜œ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜œ๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜—๐˜ข๐˜”๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ

Address

Poblacion, Cotabato
Magpet
9404

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Magpet - Municipal Planning and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share