30/01/2026
KA-DEPED, MAGPALISTA NA! 📣📋
Bilang paghahanda para sa School Year 2026-2027, isasagawa simula ngayong Sabado, Enero 31, ang Early Registration sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Inaanyayahan ang mga magulang o guardian ng mga incoming Kindergaten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 learners na magtungo sa mga paaralan upang maipalista ang mga bata.
Maaaring makipag-ugnayan sa napiling paaralan para sa iba pang detalye at requirements sa early registration.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DepEd Order No. 17, s. 2025,:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2025_017r.pdf