Discover Magdalena PH

Discover Magdalena PH Information about the attractions that can be seen in Magdalena, Laguna Philippines

The project is a Web Video Feature that introduces the places and attractions that can be seen in Magdalena, Laguna. It seeks to inform employed potential tourists in Metro Manila by providing them reliable information about places, attractions and services in Magdalena, Laguna.

06/07/2022

Pabatid!
Ang lahat po ay inaanyayahang i-like, i-follow at i-share ang bagong opisyal na page ng Lokal na Pamahalaan ng Magdalena sa ilalim ng pamamahala ni Kgg. MAYOR Pedro Peter Bucal para sa lahat ng opisyal na anunsiyo sa ilalim ng kaniyang administrasyon para sa taong 2022-2025.

Official page:
https://www.facebook.com/Anihan-sa-Ambling-Discover-Magdalena-104091889036639/

Email address:
[email protected]

Contact number:
(049) 503-4212

SERBISYONG BUMUBUCAL handog ng Lokal Na Pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Pedro Peter Bucal đź’šđź’šđź’š SULONG MAGDALENA | NON-STOP ANG KALINGA

Mula po sa DILG Laguna, Maraming salamat po, Mayor David Aventurado Jr. sa inyong 3 terminong serbisyo publiko. Isang Ma...
01/07/2022

Mula po sa DILG Laguna, Maraming salamat po, Mayor David Aventurado Jr. sa inyong 3 terminong serbisyo publiko. Isang Matapat, Mahusay at Maaasahang Punong Bayan.

Hunyo 30, 2022Maraming salamat po Mayor David Aventurado Jr.. sa matapat na serbisyo at hindi mapapantayang paglilingkod...
30/06/2022

Hunyo 30, 2022
Maraming salamat po Mayor David Aventurado Jr.. sa matapat na serbisyo at hindi mapapantayang paglilingkod sa Bayan ng Magdalena, at higit sa lahat, maraming salamat po sa pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat Magdaleños! Mahal po namin kayo! Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal!

Municipal Mayor: 2007-2010 / 2013-2016 / 2016-2019 / 2019-2022

Hunyo 27, 2022Huling Pag-uulat sa Mamamayan at Seremonya ng Paglilipat ng Pamamahala sa patapos na termino ni Kgg. Mayor...
28/06/2022

Hunyo 27, 2022
Huling Pag-uulat sa Mamamayan at Seremonya ng Paglilipat ng Pamamahala sa patapos na termino ni Kgg. Mayor David Aventurado Jr. sa bagong halal na Punong Bayan ng Magdalena, Kgg. Mayor Peter Bucal, kasama ang mga bumubuo sa Local Government Transition Team o mga Pinuno ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Lokal

Hunyo 27, 2022Seremonya ng Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Pamahalaang Bayan ng MagdalenaKg...
28/06/2022

Hunyo 27, 2022
Seremonya ng Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Pamahalaang Bayan ng Magdalena

Kgg. Mayor Peter Bucal - Punong Bayan
Kgg. Max Sotomayor - Pangalawang Punong Bayan

Mga Miyembro ng Sangguniang Bayan:
1. Kgg. Konsehal Ron Zaguirre
2. Kgg. Grace Reodica
3. Kgg. Oliver Burbos
4. Kgg. Konsi Ariel Ungco Jr.
5. Kgg. Ali L. Badulis
6. Kgg. Paterno Unio Abulencia Sune
7. Kgg. Leonard Taguilaso Togado
8. Kgg. Bueno

28/06/2022

ANUNSYO PUBLIKO!

Ang lahat po ay pinag-iingat sa bahagyang pagtaas ng Covid-19 cases sa ating bansa pati na rin sa ilang lugar sa Laguna. Hindi po nawala ang virus, bagkus ito ay humina lamang dahil sa bakuna. Ngunit dahil nababa din ang proteksiyon ng bakuna pagkaraan ng ilang buwan, ang lahat po ng hindi bakunado ay hinihikayat namin na magpabakuna na, at sa mga kulang pa ng bakuna ay hinihikayat na ito ay kumpletuhin na. Gayundin ang mga kailangang magpabooster dose. Regular na po ang schedule ng bakunahan para sa lahat tuwing Lunes at Huwebes sa Rural Helath Unit of Magdalena.

Palagian pa rin po nating isuot ang face mask at idistansya ang ating sarili lalo’t higit sa mga matataong lugar. Ugaliin ang malimit na pahuhugas o pagdidisinfect ng mga kamay. Maging ligtas para sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay. Maraming salamat po!

--Rural Health Unit of Magdalena--

Atin pong saksihan ang dalawang napakahalagang okasyon sa bayan ng Magdalena – Ang Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagon...
24/06/2022

Atin pong saksihan ang dalawang napakahalagang okasyon sa bayan ng Magdalena – Ang Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal na Opisyales at ang Seremonya ng Paglilipat ng Pamamahala (Oath Taking and Turn Over Ceremony)
Hunyo 27, 2022
4:00nh
Pamahalaang Bayan ng Magdalena

24/06/2022
Hunyo 21, 2022Isang makasaysayang araw para sa bayan ng Magdalena ang isinagawang pagpapasinaya at paghahawi ng tabing s...
22/06/2022

Hunyo 21, 2022
Isang makasaysayang araw para sa bayan ng Magdalena ang isinagawang pagpapasinaya at paghahawi ng tabing sa monumento ng "LABANAN SA MAIMPIS" o "Battle of Maimpis" shrine.

Pasasalamat sa mga sumusunod:
-Kgg. David O. Aventurado, Jr. para sa ideya at pangunguna sa proyektong ito

-Sangguniang Bayan

-Pamilya Brosas - Gng. Concepcion M. Brosas at Dr. Bryan M. Brosas sa pagpapahintulot na magamit at mahiram ang kanilang pag-aaring lupa upang pagtayuan ng monumento

-G. Nathaniel Umali para sa pagdisenyo at pangunguna sa paggawa ng monumento katulong ang mga empleyado mula sa Tanggapan ng Pambayang Inhinyero

-Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Ramil Hernandez para sa tulong pinansiyal

-National Historical Commission of the Philippines (NHCP)

-Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade Office (LTCATO) sa pamumuno ni G. Peter Jaynul V. Uckung para sa tulong pagsasaliksik sa mahahalagang impormasyong pangkasaysayan

-Kgg. Wilfredo Rance at Sangguniang Barangay ng Bungkol

-Gng. Felicidad San Luis para sa pagdalo at pagpapaunlak na maidaos ang “reception” sa Bahay Laguna

-Pinuno ng bawat Tangappan sa Pamahalaang Bayan

-G. Norman Avenido Abanto, Tourism Operations Assistant at LGU Tourism Focal Person, gayundin sa League of Barangay Tourism Officers para sa pag-organisa ng nasabing pagpapasinaya

Address

Magdalena
4007

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Discover Magdalena PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Discover Magdalena PH:

Share