12/03/2026
PABATID SA PUBLIKOπ£
Simula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalaning pangunahing ID ng DSWD sa payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.
Ang mga benepisyaryong wala pang National ID ay hinihikayat na magparehistro sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Magkakaroon din ng PhilSys registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng ating mga senior citizens.
Pupuntahan naman ng PSA ang mga bedridden na benepisyaryo para sila ay irehistro.
Para sa iba pang katanungan o reklamo, tumawag sa:
π² GLOBE: 09171105686 at 09178272543
π² SMART: 09199116200
o magpadala ng mensahe sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS) ng DSWD sa https://i-grs.dswd.gov.ph at sagutan ang form.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, panoorin ang video na ito: https://www.facebook.com/share/v/14YUkUzGcXk/
β€οΈ