28/03/2026
Justice for our fallen troops
May you rest in peace
UPDATE : 5 PULIS PATAY, 3 WOUNDED
Mobile ng pulisya, Inambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur
SHARIFF AGUAK, MAGUINDANAO DEL SUR — Umabot sa lima ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos ang pananambang 9:10 ng gabi sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Target ng nasabing pag-atake ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office (MDSPPO).
Kinilala ang mga nasawi na sina Pat Kenneth Perocho, Pat Al-Fatah Marohom, Pat Amil Bangsa, Pat Arsenal Sivih at Pat Sayed Ridwan.
Habang sugatan namin sina PLT Alfred Gregory, PSSG Adam Kansi at Pat Abubakar Lauban.
Sa paunang ulat mula kay Captain Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office, Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), lulan ang mga pulis ng kanilang PNP Mobile car (body number 767) at pabalik na sana sa kanilang himpilan sa Camp Datu Akilan matapos magsagawa ng patrol sa kabayanan ng Shariff Aguak.
Bigla na lamang silang pinaputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek pagsapit sa naturang lugar. Nakipagpalitan pa umano ng putok ang mga pulis habang papaalis sa nasabing lugar at dumeretso sa Maguindanao del Sur provincial hospital.
Kasalukuyan pang kinukumpirma ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga tauhan at ang lawak ng pinsala sa insidente. (END)