San Francisco Magalang Pampanga

San Francisco Magalang Pampanga For San Francisco residents only !! Dummy, Poser and Unidentified Account are not allowed, thanks ☺️.

🙏 PANALANGIN PARA SA PAMPANGA 🙏Aming mapagmahal na Diyos,Sa mga oras na ito ng matinding pagbaha at pagdurusa ng aming m...
28/08/2026

🙏 PANALANGIN PARA SA PAMPANGA 🙏

Aming mapagmahal na Diyos,

Sa mga oras na ito ng matinding pagbaha at pagdurusa ng aming mga kababayan sa Pampanga, kami po ay lumalapit sa Iyo nang may pagpapakumbaba at pananampalataya.

Ingatan Mo po ang bawat pamilya, lalo na ang mga lubog at apektado ng baha. Ilayo Mo sila sa anumang kapahamakan at bigyan Mo ng lakas, pag-asa, at tibay ng loob upang malampasan ang pagsubok na ito.

Gabayan Mo rin po ang aming mga rescuer, volunteers, health workers, at lahat ng tumutulong sa oras ng sakuna. Bigyan Mo sila ng lakas at proteksyon habang sila ay nagsisilbi sa aming mga kababayan.

Panginoon, patnubayan Mo ang aming mga pinuno upang makapagbigay sila ng agarang tulong at tamang serbisyo sa mga nangangailangan.

Nawa'y tumila na ang malalakas na pag-ulan at humupa ang baha. Muli Mong ipadama sa amin ang Iyong pagmamahal at proteksyon.

Sama-sama po nating ipanalangin ang kaligtasan ng bawat Kapampangan.**

🙏 PRAY FOR PAMPANGA 🙏
Ligtas nawa ang bawat pamilya.

Amen.

📢 MAHALAGANG ABISO SA ATING MGA KABARANGAYSa aming mga minamahal na kabarangay, nais lamang po naming ipaalam na sa kasa...
28/08/2026

📢 MAHALAGANG ABISO SA ATING MGA KABARANGAY

Sa aming mga minamahal na kabarangay, nais lamang po naming ipaalam na sa kasalukuyang sitwasyon, ang agarang assistance na maaari naming maibigay ay ang rescue at pag-assist sa mga kabarangay nating kailangang lumikas o gustong mag-evacuate dahil sa baha.

⚠️ Mahalagang paalala: Kung nakikita at nararamdaman na po ninyo na delikado na ang inyong lugar, hinihikayat po namin kayo na agad nang lumikas para sa kaligtasan ninyo at ng inyong pamilya. Huwag na po sanang maghintay na lumala pa ang sitwasyon bago mag-evacuate.

Nangangako po kami na sa lalong madaling panahon ay personal naming ihahatid kay Mayora Maria Lourdes Paras Lacson ang mga Resolution at Request Letter para sa mga problemang kinakaharap ng ating mga kabarangay sa:

📍 Purok 1, Sitio Tinabi
📍 Purok 7, Sitio Mabato-Bato

Layunin po nito na agad na mabigyan ng kaukulang pansin at aksyon ang matagal nang problema sa pagbaha sa mga nabanggit na lugar.

Hindi po namin kagustuhan na maranasan ng aming mga kabarangay ang pagkalubog sa baha at ang panganib na dulot nito. Nauunawaan po namin ang hirap, pangamba, at abalang dulot ng ganitong sitwasyon sa bawat pamilyang apektado.

🙏 Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa, pakikiisa, at kooperasyon habang ginagawa namin ang aming makakaya upang maipaabot ang inyong mga hinaing at makahanap ng agarang aksyon at pangmatagalang solusyon sa problemang ito.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang aming pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Mag-ingat po tayong lahat at manatiling alerto!

27/08/2026

📣

In view of the bad weather affecting Magalang, Pampanga, classes at all levels, in both public and private institutions, will be suspended tomorrow, August 28, 2026. Work in government offices is likewise suspended.

Schools are encouraged to implement alternative learning modalities (such as asynchronous or online modules) where feasible, so that learning continues even while classes are suspended.

🎉🎂 WARMEST GREETINGS TO CONGRESSMAN CARMELO “POGI” LAZATIN JR.! 🎂🎉On behalf of Kap Van Mamangun, Barangay Council and th...
27/08/2026

🎉🎂 WARMEST GREETINGS TO CONGRESSMAN CARMELO “POGI” LAZATIN JR.! 🎂🎉

On behalf of Kap Van Mamangun, Barangay Council and the people of our barangay, we extend our warmest greetings and best wishes to Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

May you be blessed with good health, happiness, strength, and continued success as you serve the people. We sincerely thank you for your dedication, support, and commitment to public service.

May you continue to inspire and bring positive change to the communities and people you serve.

Wishing you all the best and more blessings to come! 🎊🙏

Happy Birthday, Congressman Carmelo "Pogi" Lazatin, Jr. ! 🎉🎂

🏀 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAYIpinalinis po ni SK Chairman Darwin Castro  ang ating Barangay Basketball Covered Court...
26/08/2026

🏀 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Ipinalinis po ni SK Chairman Darwin Castro ang ating Barangay Basketball Covered Court upang maging mas malinis, maayos, at ligtas para sa lahat ng gumagamit nito.

Nakikiusap po kami sa ating mga kabarangay na panatilihing malinis ang ating court at sana ay maging mabuting halimbawa tayo sa mga taong dumadayo at gumagamit ng ating pasilidad.

Kung may makita po kayong nagkakalat o nag-iiwan ng basura, mahinahon po natin silang paalalahanan na itapon ang kanilang basura sa tamang lugar. Sa simpleng pagpapaalala at pakikiisa, malaki na po ang maitutulong natin upang mapanatiling malinis ang ating paligid.

Para po sa ating lahat ang pasilidad na ito, kaya para rin po sa ating lahat ang responsibilidad na alagaan ito. ❤️

Nawa’y patuloy tayong magkaroon ng malasakit, disiplina, at respeto sa ating mga pasilidad at sa ating kapwa kabarangay.

Makiisa. Magmalasakit. Panatilihing Malinis ang Ating Barangay! 🙏🏀🧹

⛪ 🧎 🙇🔔
26/08/2026

⛪ 🧎 🙇🔔

📢 PUBLIC INFORMATION & TRANSPARENCYConducted by Kap Van Mamangun and Barangay Council of San FranciscoWe are pleased to ...
25/08/2026

📢 PUBLIC INFORMATION & TRANSPARENCY

Conducted by Kap Van Mamangun and Barangay Council of San Francisco

We are pleased to inform our constituents that five (5) college students graduating in 2027 from our barangay are beneficiaries of financial/educational assistance amounting to ₱20,000.00 each, under the Presidential Assistance to Barangays – Socio-Civic Projects Fund of President Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM). 🎓📚🇵🇭

A total of ₱100,000.00 in educational assistance will benefit our five (5) college student-beneficiaries, helping them with their educational and school-related needs.

This announcement is being posted as part of our commitment to transparency, accountability, and proper information dissemination to our constituents regarding government assistance received by our barangay.

Congratulations to our five beneficiaries! May this assistance help ease your educational expenses and support you in pursuing your dreams and completing your studies.

Five (5) Beneficiaries • ₱20,000 Each • ₱100,000 Total Assistance

For transparency. For education. For the future of our youth. 🇵🇭🎓





24/08/2026

📣

Due to inclement weather affecting Magalang, Pampanga, classes at all levels, whether in public or private institutions, are suspended today, August 25, 2026.

This is pursuant to the assessment of local authorities to ensure the safety of students, teachers, and staff.

To our dear Miss Magalang 2026 Candidate Rose Ann Marcelo Soriano, we want you to know how incredibly proud we are of yo...
20/08/2026

To our dear Miss Magalang 2026 Candidate Rose Ann Marcelo Soriano, we want you to know how incredibly proud we are of you! 👑✨

Although you may not have brought home the crown, you will always be a source of pride for our barangay. We will continue to proudly celebrate and support you for the grace, confidence, dedication, and hard work you showed throughout your journey.

Thank you for giving your time, effort, patience, and dedication in preparing for and participating in the recently concluded Miss Magalang 2026. Your hard work and determination did not go unnoticed.

You may not have won the crown, but you have already won our hearts and made our barangay proud. ❤️

Congratulations, and thank you for proudly representing our barangay! We are, and will always be, proud of you! 👏👑✨

Please support and cheer for our candidate Miss Rose Ann Marcelo Soriano in MISS MAGALANG 2026! 👑✨📅 Later, 7:00 PM📍 Bren...
20/08/2026

Please support and cheer for our candidate Miss Rose Ann Marcelo Soriano in MISS MAGALANG 2026! 👑✨

📅 Later, 7:00 PM
📍 Bren Z. Guiao Multi Purpose Center, Pampanga State Agricultural University

Let us show our full support and help cheer her on as she proudly represents our Barangay! 💖👏

GOOD LUCK, OUR MISS MAGALANG 2026 CANDIDATE!

LET'S GO AND SHOW OUR SUPPORT! 🎉👑

Address

San Francisco Magalang Pampanga
Magalang
2011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Francisco Magalang Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share