26/05/2026
๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป/๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐๐๐ฃ) ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฏ๐ฎ - ๐๐ฎ๐ ๐ญ
Opisyal nang sinimulan ang Day 1 ng Orientation/Workshop on the Comprehensive Development Plan (CDP) 2026โ2032 ng Bayan ng Macalelonโisang mahalagang hakbang upang mas mapaghandaan at mapagplanuhan ang mas maunlad, mas matatag, at mas inklusibong kinabukasan ng ating bayan.
Sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office sa pangunguna ni Mark V. Rodelas, EnP, katuwang ang Office of the Provincial Planning and Development Coordinator, matagumpay na naisagawa ang unang araw ng workshop na lubos na Sinuportahan ni Honorable Mayor Artemio A. Mamburao kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Dhan Ilao, mga department heads, kinatawan ng mga national government agencies, civil society organizations (CSOs), at ibaโt ibang stakeholders ng LGU Macalelon.
Sa bawat ideya, suhestiyon, at pakikilahok ng bawat isa, mas pinagtitibay natin ang iisang layuninโang makabuo ng isang plano na tunay na sumasalamin sa pangangailangan at pangarap ng mga Macalelonin para sa taong 2026โ2032.