17/05/2026
Papalapit na ang tag-ulan kaya mas pinaigting natin ang paghahanda upang masiguro na ligtas, accessible, at handa ang ating mga classrooms para sa darating na pasukan. Layunin nating maiwasan ang pagbaha sa mga silid-aralan upang manatiling tuloy-tuloy ang face-to-face learning at continuity of learning ng ating mga Ferrerians.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakikiisa, tumutulong, at sumusuporta sa ating paghahanda para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral. Sama-sama nating pinagtitibay ang isang ligtas at handang paaralan para sa ating mga bata. 💙