21/07/2026
โจ BAYANIHAN PARA SA MAS LIGTAS AT MAS MAAYOS NA PAARALAN! โจ
Ang tagumpay ng isang paaralan ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad. Sa nakalipas na mga linggo, nasaksihan natin ang sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor upang maisakatuparan ang pagpapaganda at pagpapabuti ng ating school ground.
๐ Mga Mahahalagang Pangyayari:
๐ซ Mayo 25, 2026 โ Lumapit ang paaralan sa Tanggapan ng Kapitolyo upang humiling ng tulong para sa pagpapatambak ng school ground. Bilang tugon, nangako ang Kapitolyo ng mga materyales na gagamitin sa pagpapasemento ng school ground at pagpapabubong ng nasabing lugar.
๐ Hunyo 1, 2026 โ Sa isinagawang school visitation ni Vice Mayor Vince Flores, nagkaloob ang Munisipyo ng Macabebe ng 12 dump truck na tambak na lupa para sa ating paaralan. Nakiisa rin sa aktibidad ang ating Barangay Captain, bilang suporta sa proyektong ito.
๐ค Hunyo 19, 2026 โ Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) sa pagpapantay ng mga naitambak na lupa.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Hunyo 30, 2026 โ Nagsagawa ng Bayanihan ang mga magulang upang simulan ang pagpapantay ng tambak na lupa sa school ground.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Hulyo 1, 2026 โ Muling naglaan ng oras at lakas ang mga magulang upang maipasok at maikalat pa ang mga karagdagang tambak na lupa sa loob ng paaralan.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Hulyo 3, 2026 โ Nagpatuloy ang sama-samang pagkilos ng mga magulang sa pagpapantay at pag-aayos ng mga naitambak na lupa upang maging handa ang lugar para sa susunod na yugto ng proyekto.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Hulyo 7, 2026 โ Sa patuloy na diwa ng bayanihan, muling nagsama-sama ang mga magulang hanggang sa tuluyang mapantay ang school ground.
๐ Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang pagdating ng mga materyales mula sa Kapitolyo upang masimulan na ang pagpapasemento at pagpapabubong ng ating school ground.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, Go. Lilia Pindeda. sa Munisipal na Pamahalaan, Vice Mayor Vince Flores, sa ating Barangay, Capt. Reynaldo M. Calara. Sa SPTA Officers ng San Vicente Ferrer, at higit sa lahat, sa ating mga masisipag na magulang at mga boluntaryo na walang sawang naglaan ng oras, lakas, at suporta.
Ang proyektong ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, mas marami tayong magagawa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong paaralan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta! ๐๐