14/07/2026
JULY 14, 2026 | MARTES
EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA LIMANG PRESIDENTIAL SCHOLARS
Sa ilalim ng programang "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG" na isinusulong ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matagumpay na naipamahagi ang Educational Assistance sa limang (5) napiling Presidential Scholars, na tumanggap ng β±20,000 bawat isa bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Ang layunin ng programang ito ay mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga kabataang Pilipino na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon sa buhay. Ito rin ay nagsisilbing tulong pinansyal upang mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya, habang hinihikayat ang mga kabataan na magsikap at magtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang programang ito sa iba pang mga estudyante na patuloy na mangarap, magsumikap, at gamitin ang edukasyon bilang daan tungo sa mas magandang kinabukasan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito at taos-pusong pagbati sa ating limang Presidential Scholars! Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa bawat kabataan.