17/08/2026
TUGON NA MAY LAYUNIN, PAGLILINGKOD NA MAY MALASAKIT
Sa gitna ng pagsubok na dulot ng bagyo, nagsagawa ang Air Logistics Support Command (ALSC) ng pamamahagi ng mga donasyong damit sa Bacolor Integrated School, Cabambangan, Bacolor, Pampanga noong 14 Agosto 2026, para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nakapaghatid ang ALSC ng agarang tulong sa mga nangangailangan at naipakita ang pakikiisa sa komunidad sa panahon ng pangangailangan.
Higit sa mga damit, ang aktibidad ay pagpapakita ng malasakit, bayanihan, at tunay na paglilingkod sa kapwa Pilipino.
Patuloy na naninindigan ang ALSC na ang paglilingkod ay hindi lamang tungkulin, kundi pagkilos para sa kapwa at komunidad.
Tumugon nang may layunin.
Maglingkod nang may malasakit.
Makibayanihan para sa mas matatag na komunidad.