07/09/2026
Ayon sa latest weather forecast, inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan bukas, Martes, September 8, dulot ng Habagat.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at g**o, sinuspinde ni Mabalacat City Mayor Atty. Geld Aquino ang FACE-TO-FACE MORNING CLASSES bukas, Martes, September 8, ALL LEVELS, sa lahat ng PUBLIC at PRIVATE SCHOOLS sa Mabalacat City.
Para sa morning classes, pinapayuhan ang mga paaralan na ipatupad ang Alternative Learning Delivery Modality upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga estudyante.
Samantala, pagsapit naman ng 12:00 NN, suspendido na ang lahat ng klase, kabilang ang Alternative Learning Delivery Modality sa buong Pampanga, alinsunod sa Executive Order No. 14-2026 na inilabas ni Pampanga Governor Lilia G. Pineda kaugnay ng pagdiriwang ng Canonical Coronation Anniversary ng Virgen de los Remedios.