UP Clark-Subic Student Council

UP Clark-Subic Student Council Official student council of the University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga

This is the official page of the University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga Office of the College Student Council

STANDARD-BEARERS

Chairperson: Clifford John PiΓ±era
Vice-Chairperson: Shanna Diaz

COUNCILORS:

Public Information: Hillary Gerona Holdiem
People's Struggles: Jean Marie Ocampo
Students' Rights and Welfare: Val John Bryan Olaivar
Good Governance: Geoffrey MaΓ±alac

πŸ“’ CALL FOR DONATIONSAn Applied Psychology sophomore from UPDEPPO is humbly asking for support as their father, Mr. Geral...
07/05/2026

πŸ“’ CALL FOR DONATIONS

An Applied Psychology sophomore from UPDEPPO is humbly asking for support as their father, Mr. Geraldo Cabusao Lopez (61), continues his recovery after a hemorrhagic stroke and major head surgery.

For the past month, he has been confined at AUF Medical Center and has undergone critical care. While he is now stable and cleared for discharge, the family is facing overwhelming hospital bills and the cost of essential medical equipment needed for his recovery at home.

In this difficult time, we are knocking on your kind hearts. Any amount, no matter how small, can help ease their burden and support his healing journey.

You may send your donations through the details provided in the pubmat.

Thank you for your generosity and prayers πŸ™πŸ»

Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!Sa bawat patak ng pawis at bawat oras ng paggawa, isinusulat ng anakpawis ang tuna...
01/05/2026

Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sa bawat patak ng pawis at bawat oras ng paggawa, isinusulat ng anakpawis ang tunay na kasaysayan ng bayan. Hindi sila tahimik na puwersa kundi lakas na nagpapatakbo sa lipunan. Ngunit sa kabila nito, sila ang patuloy na binabarat sa sahod, ikinukulong sa kontraktuwalisasyon, at pinagkakaitan ng seguridad at dignidad.

Sa baluktot na tatsulok ng lipunan, ang nasa tuktok ang nagpapakasasa sa yaman na hindi nila nilikha, habang ang manggagawa at magsasaka ang bumubuhat sa pundasyon, pasan ang bigat ng produksyon ngunit nananatiling api at pinagsasamantalahan.

Sa harap ng garapalang paglabag sa karapatan ng manggagawa, malinaw na walang kusang ibinibigay ang naghaharing uri. Ang bawat tagumpay ay bunga ng sama-samang pakikibaka. Kaya tungkulin nating makiisa at makibaka kasama ang uring manggagawa sa pagsusulong ng makatarungang sahod, regular na trabaho, at ganap na karapatan.

Kaisa ang UPDEPPO Student Council sa walang humpay na pakikibaka ng uring manggagawa para sa makatarungang sahod, tunay na pagpapababa ng presyo ng mga batayang bilihin, at pagkakaroon ng makatao, ligtas, at nakabubuhay na trabaho.

SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!


Bukas na! Mayo Uno na!Sama-sama nating gunitahin ang Araw ng mga Manggagawa hindi lamang sa pag-alalaβ€”kundi sa sama-sama...
30/04/2026

Bukas na! Mayo Uno na!

Sama-sama nating gunitahin ang Araw ng mga Manggagawa hindi lamang sa pag-alalaβ€”kundi sa sama-samang pagkilos at paglaban!

Humayo tayo sa lansangan, magkaisa, at igiit ang tunay na ginhawa at karapatan ng uring manggagawa. Hindi na sapat ang pananahimik habang patuloy tayong ginugupo ng napakataas na presyo ng bilihin at sahod na hindi makatao.

πŸ“’ Kaya bukas, kumilos tayo’t magkita-kita sa Angeles City, 2:30 ng hapon.

Patuloy nating ipaglaban ang sahod, trabaho, at karapatan! Ibaba ang presyo ng langis at bilihin! At wakasan ang imperyalistang gera!

Para sa buhay at kabuhayan!
Manggagawa at mamamayan, kumilos sa Mayo Uno!

TINGNAN: Ngayong Abril 28, 2026, ang UPDEPPO Student Council kasama ang Anakbayan UP Clark, Bahaghari UP Clark, STAND UP...
28/04/2026

TINGNAN: Ngayong Abril 28, 2026, ang UPDEPPO Student Council kasama ang Anakbayan UP Clark, Bahaghari UP Clark, STAND UP Clark, Pi Sigma Fraternity - Pi Sigma Delta Sorority UP Clark, at Sigma Kappa Pi Fraternity - Sigma Delta Pi Sorority UPD EPP ay nakiisa sa isang candle lighting protest bilang pag-alala at paghingi ng hustisya para kina Alyssa Alano, Errol Wendel, Maureen Santuyo, RJ Ledesma, Kai Sorem, at sa lahat ng biktima ng Toboso 19.

Sa sama-samang pagtitipon, taas-kamaong pinagpugayan ng mga estudyante at g**o ang mga nasawi habang muling iginiit ang panawagan para sa hustisya at pananagutan. Naging espasyo rin ang pagkilos upang kondenahin ang patuloy na karahasan, eksploytasyon, at militarisasyon sa Negros Occidental na patuloy na lumalabag sa karapatan ng mamamayan.

HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang aerial strafing sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Labing-siyam...
26/04/2026

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang aerial strafing sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Labing-siyam na indibidwal ang naging biktima ng di-makataong pagpaslang ng AFP! Pinakamataas na pagpupugay kina Alyssa Alano, Errol Wendel, Maureen Santuyo, RJ Ledesma, Kai Sorem, at sa lahat ng biktima na naglingkod bilang aktibista, estudyante, mamamahayag, at artista para sa bayan at sa pinagsasamantalang masa. Patuloy ang ating pakikibaka laban sa karahasan, eksploytasyon, militarisasyon, at iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao na naganap at patuloy pang nagaganap sa Negros.

Makiisa at lumahok tayo sa isang Candle Lighting Protest bilang pag-alala at paghingi ng hustisya para sa ating kapwa Iskolar ng Bayan, Alyssa Alano at sa iba pang biktima sa Toboso 19.

πŸ“UPDEPP Lobby, ngayong Abril 28 (Martes), 4:00 PM.

HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
AKTIBISTA, HINDI TERORISTA!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO! Mariing kinokondena ng UPD EPPO Student Council kasama ang iba’t ibang organisasyon sa U...
22/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!

Mariing kinokondena ng UPD EPPO Student Council kasama ang iba’t ibang organisasyon sa UPD EPPO, ang patuloy na karahasan, eksploytasyon, militarisasyon, at mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa mga Isla ng Negros.

Noong ika-19 ng Abril 2026, lumalabas sa mga ulat mula sa mga lokal na network, human rights groups, at mga residente hinggil sa mga aerial strafing sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Ang lantad na paggamit ng marahas at mapanupil na taktika ay nagdulot ng matinding takot at pagkawasak sa komunidad, na nagresulta sa sapilitang paglikas ng mga sibilyan. Ayon kay Mayor Richard Jaojoco ng Toboso, mahigit 168 na pamilya at 600 na mga residente ang ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan bunsod ng insidenteng ito.

Kasabay nito ay ang pagkasawi ng kapwa lider-estudyante na si Alyssa Alano. Isang estudyante ng UP Diliman at konsehal ng UPD University Student Council. Si Alyssa ay nakipamuhay at nakisalamuha sa mga komunidad upang lubos na maintindihan ang lagay ng magsasaka sa Negros Occidental. Ngunit ang kanyang pagkamatay ay hindi mahihiwalay sa mas malawak na konteksto ng patuloy na militarisasyon at panunupil sa mga komunidad at indibidwal na nakikibahagi sa gawaing masa at pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan.

Sa lumalang agresyon at marahas na pagtrato sa mga sibilyan, malinaw ang tahasang pagtapak sa karapatang pantao. Ang pag-aaral sa lipunan, pakikisalamuha sa mga komunidad, at paglilingkod sa mga sektor na matagal nang nakararanas ng marginalisasyon ay hindi kailanman maituturing na krimen o terorismo.

Ang ganitong karahasan ay dagdag lamang sa matagal nang kasaysayan ng pang-aapi at pagsasamantala sa Negros. Sa kabila ng malalim na ugat ng armadong tunggalian, kahirapan, at kawalan ng hustisyang panlipunan, patuloy na tinutugunan ng mga suliraning ito sa pamamagitan ng dahas at militarisasyon. Sa halip na magbigay ng makatao at makatarungang solusyon sa krisis, lalo lamang nitong pinatitindi ang takot, pagdurusa, at kawalan ng pananagutan.

Naninindigan kami sa panawagan para sa hustisya para kay Alyssa Alano at para sa lahat ng biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao sa Negros. Nanawagan kami ng agarang pananagutan, independiyenteng imbestigasyon, at pagtatapos sa mga operasyong militar na naglalagay sa panganib ng buhay at kabuhayan ng mga sibilyan.

Bilang mga iskolar ng bayan, naninindigan kaming buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at tunay na katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo, panunupil, at mga abuso ng kasalukuyang bulok na sistema.

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!

ANNOUNCEMENT | Leave of Absence This is to inform the UPDEPPO community that, effective April 27 until May 15, 2026,the ...
17/04/2026

ANNOUNCEMENT | Leave of Absence

This is to inform the UPDEPPO community that, effective April 27 until May 15, 2026,the following members of the UP Diliman Extension Programs in Pampanga and Olongapo Student Council have filed for Leave of Absence (LOA) to participate in the upcoming 2026 Student Council Elections.
Student council officers who have filed for LOA shall be temporarily relieved of their duties and responsibilities within the Student Council to prevent any conflict of interest.

Meanwhile, incumbent USC officers will uphold impartiality throughout the election period and will coordinate closely with the Student Electoral Board (SEB).

The UP Diliman Extension Programs in Pampanga and Olongapo Student Council has designated Officers-in-Charge (OICs) to assume the responsibilities of vacated positions during the Leave of Absence period. These appointments cover both Standard Bearer and Councilor roles to ensure continuity in leadership and operations.

The UPDEPPO Student Council remains steadfast in serving the interests of the student body and in advancing the struggles of the basic masses, recognizing that these extend beyond, and are deeply connected to, student life and leadership within the university.

Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang kabayanihang minsang isinabuhay sa kasaysayan. Inaalala natin ang mga b...
09/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang kabayanihang minsang isinabuhay sa kasaysayan. Inaalala natin ang mga bayani na nagbuwis ng buhay upang ang inaangkin nating kalayaan, kasarinlan, at kapayapaan ay ating makamtan. Ngunit, higit pa sa pag-alala, mahalagang tanungin: Ano ang kahulugan ng kagitingan sa kasalukuyan? Sa gitna ng krisis, digmaan, at pang-araw-araw na pakikibaka, ang kagitingan ay patuloy na umiiral.

Sa araw na ito, inaalala natin ang kawalang katarungan na kanilang kinaharap, ang mga pighati at laban. Mula sa kanila nakatagpo tayo ng bagong tapang, at bagong lakas upang pag-ibayuhin pa ang paghahatid ng bagong pag-asa.

Tuloy ang laban para sa kalayaan, kasarinlan, at kapayapaan.

π˜Όπ™‰π™Š π™‰π™‚π˜Όπ™”π™Šπ™‰? π™‰π˜Όπ™Žπ˜Όπ˜Όπ™‰ π˜Όπ™‰π™‚ π™π™π™‚π™Šπ™‰ π˜Όπ™ π™‹π˜Όπ™‰π˜Όπ™‰π˜Όπ™‚π™π™π˜Όπ™‰? π˜Όπ™‰π™Šπ™‰π™‚ π™ˆπ˜Όπ™‚π˜Όπ™‚π˜Όπ™’π˜Ό π™‰π˜Όπ™π™„π™‰?Patuloy ang pagsirit ng halaga ng krudo simula ng pumu...
19/03/2026

π˜Όπ™‰π™Š π™‰π™‚π˜Όπ™”π™Šπ™‰? π™‰π˜Όπ™Žπ˜Όπ˜Όπ™‰ π˜Όπ™‰π™‚ π™π™π™‚π™Šπ™‰ π˜Όπ™ π™‹π˜Όπ™‰π˜Όπ™‰π˜Όπ™‚π™π™π˜Όπ™‰? π˜Όπ™‰π™Šπ™‰π™‚ π™ˆπ˜Όπ™‚π˜Όπ™‚π˜Όπ™’π˜Ό π™‰π˜Όπ™π™„π™‰?

Patuloy ang pagsirit ng halaga ng krudo simula ng pumutok ang sigalot sa pagitan ng US-Israel at Iran; umaabot na sa mahigit P100/L ang presyo ng diesel at gasolina at hindi pa natin nakikita ang paghinto nito. Mabilis na tumama sa mga tsuper ang mega oil price hike na halos wala ng nauuwing kita sa kanilang mga pamilya. Nadarama na rin ang agarang epekto nito ng iba pang mga batayang sektor sa bansa, pati tayong mga estudyante na bumabyahe araw-araw at ngayon ay napilitang mag-shift ng learning modality.

Ipakita natin ang pagkahapo at pagkadismaya at manawagan sa isang tamang pagkilos laban sa malawakang krisis na patuloy na nagpapahirap sa buhay ng mga mamamayang pilipino, na hatid ng polisiyang neoliberal, kurapsyon at mga pandaigdigang sigalot at usapin. Sama-sama nating tindigan at humingi ng dagliang lunas, pantay na pagpapataw ng presyo ng langis at mga polisiyang nagpoprotekta sa karapatan ng mga tsuper, nagko-commute, estudyante, at mga pamilyang manggagawa. Iparinig mo ang iyong tinig, dalhin niyo iyong watawat at pakikiisa sa lokal na pagkilos; ibahagi mo ang panawagang ito, upang marinig ang kolektibong panawagan para sa abot-kayang gasolina at hustisyang pang-ekonomikya.

Sumama sa OIL PRICE HIKE MOBILIZATION bukas sa Angeles City kasama ang mga tsuper at manggagawa!

Date: March 20
Time: 2:00 PM
Place: Marisol, Angeles City

STRIKE BACK SA OIL PRICE SHOCK!

Address

UP Compound, Claro M. Recto, Clark Freeport Zone
Mabalacat
2010

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Clark-Subic Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Clark-Subic Student Council:

Share