Ayen Antido

Directions

Ayen Antido Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ayen Antido, Political organisation, Mabacong.

03/09/2026

Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras, effort, at pagmamahal para kay Pangulang Ayen. 💚

Nakakatuwang makita na bawat isa ay may kanya-kanyang dalang pagkain at kusang nagbahagi para sa simpleng pagsasalu-salo. Walang pilitan, walang kailangan patunayan—kusang loob na pagmamahal lamang.

Patunay na hindi kailangang maging magarbo ang isang handaan para maramdaman kung gaano ka pinahahalagahan. Minsan, sapat na ang isang simpleng hapunan na magkakasama, puno ng tawanan, pagkakaisa, at tunay na pagmamahalan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, tiwala, at pagmamahal kay Pangulang Ayen. 💚

14/08/2026

Walang dapat ikahiya kung mahilig kang mag solicit.

Alam niyo bang mas nakaka proud & blessed ang masabihan ng ganyang bagay? Tama, sa simpleng solicit at pag hingi ng tulong ay maraming tao ang napasaya at natulungan, maraming salamat sa mga taong handang mag bigay para may mapasayang tao hindi lang isa kundi sa maraming tao ang nabibiyayaan sa simpleng solicit lamang.

Ang paggawa ng paraan kung kinakailangan para sa kapakinabangan ng nakararami ay kailanman ay hindi masasabing kahinaan bagkus ay isang katangian ng mabuting tao na may mas malawak na pag unawa sa nakararami lalo kung ang mga resources ay hindi sapat.

Walang dapat patunayan dahil kahit kelan hindi isang kahinaan ang paghingi ng tulong.

Lalo’t higit hindi kailan man naging kahihiyan dahil sa simpleng solicit at pagtutulungan maraming tao ang nabibiyayaan.

-Solicit girl since 2010 🥰

Sino nga ba si Pangulang Ayen?Para hindi na kayo malito—Siya ay tubong Mabacong, lumaki at nanirahan sa Sitio Poblacion ...
10/08/2026

Sino nga ba si Pangulang Ayen?

Para hindi na kayo malito—
Siya ay tubong Mabacong, lumaki at nanirahan sa Sitio Poblacion hanggang ngayon.

Naging Secretarya, naging Pangulo, at higit sa lahat—naging sandalan ng marami.

Bata man o matanda, kilala siya hindi dahil sa titulo, kundi sa pakikisama at tunay na malasakit.

Oo, “Pangula” ang tawag sa kanya—hindi dahil ipinilit, kundi dahil kusang ibinigay ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Kung may nagtataka pa kung bakit hanggang ngayon ganon pa rin ang tawag sa kanya, tanungin mo ang sarili mo? bakit nga ba siya patuloy pa rin kinikilala bilang “Pangula” ?

Hindi lahat ng lider, nananatiling lider sa puso ng tao.
Pero siya—isa sa iilan.

Pinangunahan ni Pangulong Ayen Antido at ng kanyang mga kasama ang pag-iikot sa tapat baybayin, bago nagtungo sa Cacawan...
08/08/2026

Pinangunahan ni Pangulong Ayen Antido at ng kanyang mga kasama ang pag-iikot sa tapat baybayin, bago nagtungo sa Cacawan upang personal na kumustahin ang mga ka barangay.

Sa paglalakad patungong cacawan ay nag alis rin sila ng mga batong maaaring magdulot ng aksidente sa mga motorista. Gayundin, ang mga nakabarang bato sa drainage upang masigurong maayos ang daloy ng tubig.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling mapagmatyag habang patuloy ang pag-ulan at habagat.

Sa anumang emergency, agad na tumawag sa kinauukulan. Ingat po tayong lahat! 💚

26/04/2026

Maraming salamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala at nagkakaisa. Punong-puno ng saya, halakhak, kwentuhan, at masarap na salo-salo na lalo pang nagbigkis sa ating magandang samahan.

Maraming salamat sa bawat isa na nagpatahi ng kanilang mga damit, at sa mga sponsor na tumulong upang maisakatuparan ang masayang pagsasama-sama na ito at sa mga taong kusang nagpakita at naglaan ng oras, hindi dahil kailangan, kundi dahil gusto. Your presence alone means everything.

Hindi rin nagpatalo ang Balwarte girls sa Balwarte boys—pero higit sa lahat, tunay na ang saya kapag ang mga tao ay nagkakaisa. 💚✨

03/04/2026

Balwarte 2026 💚

Walang yabang, walang kailangang patunayan. Kanya-kanyang munting ligaya basta sama-sama.

Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at suporta.

Ang T-shirt, inumin, at pagkain na ito ay hindi funded ng kahit sino. Ito ay kusang-loob na pinag-ambagan at binayaran ng bawat isa—bilang simbolo ng pagkakaisa at tunay na samahan na hindi mabibili ng kahit ano pa man.

Maraming salamat sa saya at samahang buo. 🤍

15/03/2026

“Abot-kayang gulay, tulong na sabay-sabay”.

Minsan, helping others is not about giving grand gifts. Hindi kailangan ng malalaki o mamahaling bagay. Sometimes, it’s simply about remembering people and sharing what little we have. Anyone can say anything but what truly matters is the intention to help even in the smallest way. Kahit simpleng bagay lang, if it comes from the heart, it can already ease someone’s burden and bring a little hope.

We believe that blessings are not meant to be kept, but shared. Kaya we decided to pass on these simple blessings to all of you ☺️ Maliit man sa paningin ng iba, but we pray it becomes a big help to someone who needs it today.

Because at the end of the day, it’s not the size of what we give that matters 🤍

Sharing these blessings with grateful hearts. Sana kahit papaano, makatulong at makapagpa-smile sa inyo today.

Address

Mabacong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ayen Antido posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share