31/10/2023
Ang TEAM LAHIP ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naniwala at sumuporta. Hindi man pinalad ang lahat, makakaasa kayo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para sa ikakabuti ng mga kabataan sa ating barangay.
Sa mga kaibigan, kamag-anak, kapamilya, mga volunteers at supporters na kung tutuusin ay doble o triple pa ang pagod, maraming-maraming salamat po sainyo. Pinatunayan ninyo na walang imposible sa pusong tapat na hangaring maglingkod.