30/10/2023
Maraming salamat, Kabataan ng San Pedro ❤️
Limang taong paglilingkod at pagseserbisyo para sa bawat kabataan ng Barangay San Pedro ang nagdaan. Narito ang mga proyekto at programang naisakatuparan natin sa loob ng limang taon:
✅ Para sa larangan ng sports at entertainment:
• Basketball League 2018, 2019, 2022
• Volleybal League 2022
• SK Night 2018
• Barangay/ SK Night 2019
• Miss San Pedro 2023
• Pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga kabataang San Pedro na nirepresenta ang Barangay sa mga paligsahan at beauty pageant (i.e., Volleyball, Basketball, Bike Marathon, Bb. Lupao)
✅ Para sa edukasyon:
• Balik eSKwela 2020
- Pamamahagi ng school supplies sa lahat ng estudyante ng Barangay San Pedro (all levels)
• Balik eSKwela 2021
- Free Wifi
- Libreng Print
✅ Para sa pag-agapay sa pagdating ng pandemya:
• Pamamahagi ng relief packs (frozen foods)
• Pamamahagi ng fruits para sa mga frontliners (Brgy. Officials and Brgy. Tanod)
• Pamamahagi ng face shields para sa mga frontliners
✅ Para sa pagpapaganda at pagpapaayos ng Barangay Covered Court
• Renovation ng stage at benches
• Repainting ng sahig ng court
✅ Pag-provide ng SK Motorcycle Service (Kolong Kolong)
✅ Narito pa ang ilan sa mga karagdagang proyekto ng Sangguniang Kabataan:
• Crown speaker
• Basketball court lights
• Additional street lights
• Additional solar lights
• Desktop computer
• Colored printer
• Laptop
• Projector and white screen
• Tent
🖇️ Ngayong taong 2023, matagumpay na naihiwalay ang budget ng Sangguniang Kabataan mula sa Sangguniang Barangay.
❤️ Isang mahigpit na yakap sa ating lahat at salamat sa inyong ibinigay na tiwala at suporta sa SK San Pedro.
❤️ Pasasalamat din para sa mga Kagawad ng Sanggunian- sa inyong suporta at tulong para sa mga proyekto natin.
❤️ Sa mga kabataang laging nandyan para tumulong sa lahat ng gawain ng SK, maraming maraming salamat sa inyong serbisyo!
At para sa susunod na henerasyon ng Sanggunian, asahan niyo ang suporta namin sa inyong mga isusulong na adhikain para sa mga kabataan. 🙌🏻
Muli, maraming maraming salamat, Kabataang San Pedro! ❤️
Cid Daniel “Dandan” B. Beato
Outgoing SK Chairman
Sangguniang Kabataan San Pedro 2018-2023