24/05/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na SK Summer League 2026 ng Sangguniang Kabataan ng Bagong Silang!
Sa ating masisipag at mahuhusay na manlalaro, saludo kami sa ipinakita ninyong galing, disiplina, at sportsmanship sa buong liga. Tunay na kayo ang inspirasyon ng ating kabataan.
Maraming salamat din po sa mga magulang, supporters, sponsors, referees, committees, at sa lahat ng naging katuwang namin sa paghahanda at pagsasagawa ng liga. Hindi magiging matagumpay ang programang ito kung wala ang inyong suporta at pakikiisa.
Nawaโy patuloy po ninyong suportahan ang mga susunod pang programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan para sa ating kabataan at kabarangay.
Mula po sa Sangguniang Kabataan ng Bagong Silang โ taos-puso po kaming nagpapasalamat!
Sama-sama nating naitaguyod ang isang masaya, ligtas, at makabuluhang paligsahan para sa kabataan at kabarangay!