25/07/2026
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Taluan ang Deworming at Nutrition Month Activity sa pangunguna ng ating masisipag na Barangay Nutrition Workers (BNWs), Child Development Center (CDC) Workers, at Barangay Health Workers (BHWs).
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang mabuting kalusugan ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng wastong nutrisyon at regular na deworming upang maiwasan ang sakit at mapalakas ang kanilang pangangatawan.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Hon. Anisah M. Adap at ng Barangay Council for the Protection of Children bilang patunay ng patuloy na pagsuporta ng Barangay Taluan sa mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon para sa kapakanan ng mamamayan.
Sama-sama tungo sa mas malusog, mas masigla, at mas matatag na Barangay Taluan! ππΎ