01/06/2026
1 ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐6 | ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ค ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ | แดแดษดษชแดษชแดแดสษชแดส แดา สแดษชsษชแดษดแด
Ang MSWDO ay nagpatawag ng pagpupulong kasama ang ating mga Violence Against Women and Children (VAW) Desk Officers. Katuwang din sa pagpupulong ang mga Barangay Secretaries at Pangulo ng Solo Parent Association upang higit na mapalakas ang koordinasyon at paghahatid ng mga serbisyong pangkababaihan at pampamilya sa komunidad.
Ilan sa mga napag-usapan ang pagpapaigting ng koordinasyon at pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga mahahalagang hakbangin at wastong pagtugon sa mga pagkakataong may dumudulog na biktima ng karahasan.
Sama-sama, nakatuon ang lahat sa paglaban sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at sa pagtiyak ng isang mas ligtas, maayos, at mapagkalingang komunidad para sa lahat.