OSCA - Office of the Senior Citizen Affairs Lucena City

OSCA - Office of the Senior Citizen Affairs Lucena City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from OSCA - Office of the Senior Citizen Affairs Lucena City, Government Organization, Ground Floor, Lucena City Government Complex, Barangay Kanluran Mayao, Lucena.

Nakiisa ang Office of the Senior Citizens Affairs sa BOOMERANG: Balik Kalinga sa mga Lucenahin na isinagawa sa Barangay ...
16/02/2026

Nakiisa ang Office of the Senior Citizens Affairs sa BOOMERANG: Balik Kalinga sa mga Lucenahin na isinagawa sa Barangay Gulang-Gulang. Ibinaba ng ating opisina ang mga serbisyo sa barangay upang hindi na bumiyahe pa ang ating mga nakatatandang Lucenahin.

02/02/2026

PANOORIN: Dance number ng ating mga Senior Citizens Federation Presidents sa ginawang flag raising ceremony ng Lucena City Government.

Todo ensayo ang ating mga Seniors sa kanilang pagsasayaw. Ibibida nila ito sa Flag Raising ceremony ng Lucena City Gover...
30/01/2026

Todo ensayo ang ating mga Seniors sa kanilang pagsasayaw. Ibibida nila ito sa Flag Raising ceremony ng Lucena City Government sa darating na Lunes, February 2, 2026.



14/10/2025

πŸš¨π…π€πŠπ„ π‚πŽππ“π„ππ“ π€π‹π„π‘π“πŸš¨

Nagbabala ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa publiko laban sa viral content online na nagsasabing nagsimula na ang pamamahagi ng universal social pension sa lahat ng mga Pilipinong senior citizen.

Mariing pinabulaanan ng Komisyon ang awtomatikong P12,000 pension sa lahat ng mga 60 edad pataas at may senior citizens ID.

HINDI ITO TOTOO at pawang β€œclickbaiting” lamang ang content dahil hindi pa pinal at aprubado ang nasabing pensyon.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG: https://www.ncsc.gov.ph/post/ncsc-nagbabala-laban-sa-viral-content-tungkol-sa-universal-social-pension-rollout

09/10/2025

Pagbati ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa nakatatandang sektor

Nakiisa ang ating OSCA Office sa unang araw ng People's Day na ginawa ngayong araw. Napagsilbihan ng OSCA ang mga Poblac...
27/08/2025

Nakiisa ang ating OSCA Office sa unang araw ng People's Day na ginawa ngayong araw. Napagsilbihan ng OSCA ang mga Poblacion barangay (Brgy. Tres, Cinco, Siyete at Otso). Naiprocess ng ating opisina ang mga bagong Senior Citizen ID ng mga nakatatanda nating kababayan ng hindi na kailangan pang pumasyal sa ating opisina sa Lucena City Government Complex. Napagsilbihan din ng OSCA ang mga Seniors na kailangang i-renew ang kanilang mga ID.

Sa pangunguna ni Mayor Kuya Mark Alcala ay nakibahagi rin ang iba pang mga lokal na ahensya ng Pamahalaang Panglungsod ng Lucena at naghatid rin ng kanilang serbisyo sa mga komunidad.

Maaari pong makipag ugnayan sa inyong mga barangay officials upang malaman ang iskedyul ng People's Day sa inyong lugar.

Maraming salamat po mga Lucenahin!

Nakiisa po ang Office of the Senior Citizen Affairs sa isinagawang Tree Planting Activity na ginawa sa Barangay Salinas....
14/08/2025

Nakiisa po ang Office of the Senior Citizen Affairs sa isinagawang Tree Planting Activity na ginawa sa Barangay Salinas. Naroroon din ang mga opisyal ng Barangay Salinas upang makiisa at sumalubong sa mga participants. Nakiisa sa activity si OSCA/PDAO Supervising Head Manong Nick Pedro kasama ang kanyang staff, mga opisyal ng lungsod at representasyon ng mga kawani sa iba't ibang departamento ng Lucena City LGU. Nakibahagi rin sa tree planting activity ang Boy Scouts of the Philippines, Girls Scouts of the Philippines, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Rotary Club at iba pang mga organisasyon.

Ang Tree Planting Activity ay taunang adbokasiya ni Mayor Mark Alcala na kabilang sa Linggo ng Lucena na bahagi naman ng Founding Anniversary ng lungsod.

Maaari pong magtanong sa mga numbers na nakalista o mag padala ng private message sa ating OSCA page!
13/08/2025

Maaari pong magtanong sa mga numbers na nakalista o mag padala ng private message sa ating OSCA page!

12/08/2025

Welcome to the Official page of Lucena City’s Senior Citizen Affairs Office!

We are honored to serve our beloved senior citizens and their families. Ang page na ito ay inyong tulay para sa:

βœ… Importanteng announcements at updates
βœ… Mga impormasyon sa Programa at Benepisyo para sa mga seniors
βœ… Mga kaganapan at aktibidad na may kinalaman sa mga seniors
βœ… Mga makakatulong na tips para sa kalusugan at kagalingan para sa mga senior citizens

Ang misyon ng OSCA ay masigurong maipaparamdam sa bawat Senior Citizens na sila ay pinapahalagahan, sinusuportahan at kinikilala.

We invite you to like, follow, and share this page para tayo ay laging connected!

Address

Ground Floor, Lucena City Government Complex, Barangay Kanluran Mayao
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OSCA - Office of the Senior Citizen Affairs Lucena City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share