16/03/2026
Alinsunod sa Proclamation No. 1189 na nagdedeklara ng Biyernes, ika-20 ng Marso 2026, na isang Regular Holiday, bilang paggunita sa Eid'l Fitr (Pagtatapos ng Ramadhan), pansamantalang sinususpinde ang pagpapatupad ng Memorandum Order No. DHT-075 at Memorandum Order No. DHT-075-A, na nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng flexible work arrangements.
Dahil dito, ang lahat ng tanggapan sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay magpapatupad ng regular na oras ng trabaho mula Marso 16 hanggang Marso 19, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Sa kabila ng pansamantalang pagsuspinde ng flexible work arrangements, inaasahan pa rin ang lahat ng tanggapan na ipatupad ang mga itinakdang protocol sa pagtitipid ng enerhiya.
Ang pansamantalang pagsuspinde sa nasabing mga Memorandum ay inilabas upang maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng mga itinakdang kaayusan sa trabaho kaugnay ng idineklarang regular na holiday.
Gayundin, awtomatikong magpapatuloy ang flexible working arrangement sa ika-23 ng Marso (Lunes).