04/06/2026
June 4, 2026 | Pre-Deployment Briefing para sa Road Clearing Operation
Sa pangunguna ni Chief of Traffic Michael B. Ingles at Adviser on Traffic Management Operations German Merle, isinagawa ang Pre-Deployment Briefing bilang paghahanda sa Road Clearing Operation.
Tinalakay sa briefing ang mga alituntunin, tamang koordinasyon, at mga hakbang upang matiyak ang maayos, ligtas, at epektibong pagpapatupad ng operasyon. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan sa mga kalsada, masiguro ang malayang pagdaloy ng trapiko, at mapanatiling ligtas ang mga motorista at pedestrian.