15/05/2026
PNP-MARITIME GROUP, NAGPATUPAD NG WARRANT OF ARREST LABAN SA MGA MOST WANTED PERSON SA PANGASINAN AT ILOCOS SUR
Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PNP-Maritime Group ang dalawang Most Wanted Persons sa magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Ilocos Sur.
San Nicolas, Pangasinan, Mayo 11, 2026 - Nagsagawa ng operasyon ang Dasol Maritime Law Enforcement Team (MLET) kasama ang iba pang sangay ng gobyerno sa Brgy. Poblacion East, San Nicolas, Pangasinan na nagresulta sa pagkaka aresto sa Top 1 (Municipal Level) at Top 8 (Provincial Level) Most Wanted Person sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong R**e sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code na may “No Bail Recommended”. Matapos ang operasyon, ang naarestong indibidwal ay dinala at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Nicolas Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Samantala, noong Mayo 12, 2026 sa Narvacan, Ilocos Sur, matagumpay ding naipatupad ng San Esteban MLET, katuwang ang Baguio City Police Office-CIU at 103rd MC, RMFB1 ang warrant of arrest laban sa isang indibidwal na kabilang sa Top 5 (Provincial Level) at Top 2 (Municipal Level) Most Wanted Person at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of RA 7610 na may nakatakdang piyansang nagkakahalaga ng PhP180,000.00. Matapos ang dokumentasyon, ang akusado ay itinurn-over sa Baguio City Police Office-City Intelligence Unit para sa return of warrant at presentasyon sa Family Court Branch 2, Baguio City.
Ang matagumpay na operasyong ito ay direktang nakaangkla sa Enhanced Managing Police Operations at pinaigting na koordinasyon at mabilis na aksyon ng kapulisan laban sa mga indibidwal na may kinahaharap na kaso sa batas upang mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang mamamayan laban sa anumang uri ng kriminalidad, alinsunod sa isinusulong na adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
:SerbisyongMabilisTapatatNararamdaman