Sangguniang Kabataan Brgy. 8, Lucena City

Sangguniang Kabataan Brgy. 8, Lucena City "Leadership is the capacity to translate a vision into reality." — Warren Bennis

SK Meeting | February 07, 2026Kasama ang mga officers ng ABKD, KKDAT, at KSK, matagumpay na napag-usapan ang mahahalagan...
18/02/2026

SK Meeting | February 07, 2026

Kasama ang mga officers ng ABKD, KKDAT, at KSK, matagumpay na napag-usapan ang mahahalagang bagay para sa mas maayos at mas organisadong taon para sa ating kabataan.

Tinalakay ang mga gampanin ng bawat organisasyon, ang pag-aayos ng Annual Budget para sa taong ito, mga kinakailangang dokumento na dapat maipasa, at iba pang mga plano para sa mas epektibong serbisyo.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas aktibo, responsable, at progresibong komunidad.💙✨

✨NDEP Campaign in Action!✨Isang masaya at makabuluhang araw ang aming ibinahagi sa mga mag-aaral ng Lucena East IV at Ea...
18/02/2026

✨NDEP Campaign in Action!✨

Isang masaya at makabuluhang araw ang aming ibinahagi sa mga mag-aaral ng Lucena East IV at East VI Elementary School, partikular sa mga Grade 4–6 learners.

Pinangunahan ni SK Chairperson Crishkey Cuario kasama si Project Development Officer Ma’am Shara Garcia ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa mga ipinagbabawal na droga, paninigarilyo, pag-inom ng alak, at iba pang bisyo na maaaring makaapekto sa kinabukasan ng kabataan.

Nagbahagi rin kami ng flyers upang hindi lamang ang mga bata ang matuto, kundi maging ang kanilang pamilya sa bahay. 📚

Patuloy nating gabayan ang kabataan tungo sa isang malusog, ligtas, at makabuluhang kinabukasan. 💙



💚
18/02/2026

💚

SK MEETING 2026 | Kabataang Otso🔥Isang produktibo at makabuluhang SK Meeting ang naisagawa kasama ang mga masisipag na o...
21/01/2026

SK MEETING 2026 | Kabataang Otso🔥

Isang produktibo at makabuluhang SK Meeting ang naisagawa kasama ang mga masisipag na opisyal ng ABKD, KKDAT, at KSK. Dito ay napag-usapan ang mga exciting at makabuluhang programa na isasagawa ngayong 2026 para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.

Iisang boses. Iisang direksyon. Iisang layunin.
Sama-sama at patuloy na nagkakaisa ang lahat ng kabataan upang maisakatuparan ang mga programang tunay na para sa Kabataang Otso.

🎖️Kabataang handang makiisa
💪 Kabataang handang kumilos
🔥 Kabataang handang maglingkod

Laban lang para sa mas aktibo, mas empowered, at mas nagkakaisang kabataan!
Para sa Kabataang Otso, sama-sama tayong aangat! ✨💙

Kasunod ng Livelihood Training, matagumpay naming naisakatuparan ang Educational Assistance Program bilang suporta sa mg...
02/01/2026

Kasunod ng Livelihood Training, matagumpay naming naisakatuparan ang Educational Assistance Program bilang suporta sa mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap para sa kanilang pag-aaral. 📚✨

Ang programang ito ay layong makatulong sa mga estudyante sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan at magsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon bilang pundasyon ng mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan ng ating komunidad. 💙

Naglingkod, naglilingkod, at handang maglingkod dahil ang tanging misyon ay magserbisyo para sa DIYOS, BAYAN, AT KABATAAN.

Kasunod ng aming matagumpay na KK Assembly, isinagawa naman ang Livelihood Training (DIY Dishwashing Liquid) bilang baha...
02/01/2026

Kasunod ng aming matagumpay na KK Assembly, isinagawa naman ang Livelihood Training (DIY Dishwashing Liquid) bilang bahagi ng aming adbokasiya na magbigay ng kaalaman at oportunidad para sa kabuhayan.✨❤️

Namahagi ang SK Barangay 8 ng DIY dishwashing liquid sa mga out-of-school youth at single mom/dad, na maaari nilang gawing pagkakakitaan at magsilbing panimula sa maliit na hanapbuhay. Sa pamamagitan ng simpleng kaalaman, nais naming magbukas ng pinto para sa dagdag na kita at mas matatag na kinabukasan.

Patuloy kaming naglilingkod at lumilikha ng mga programang may saysay at may puso, para sa kabataan at komunidad.💙❤️

Naglingkod, naglilingkod, at handang maglingkod dahil ang tanging misyon ay magserbisyo para sa DIYOS, BAYAN, AT KABATAAN.

Isang matagumpay na KK Assembly ang isinagawa noong December 27 sa Barangay Hall, Barangay 8! ✨🥳Tinalakay sa nasabing pa...
02/01/2026

Isang matagumpay na KK Assembly ang isinagawa noong December 27 sa Barangay Hall, Barangay 8! ✨🥳

Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga SK activities na naisakatuparan, pati na rin ang accomplishment reports ng mga SK Members, bilang patunay ng tapat at transparent na paglilingkod sa kabataan. Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa proposed Annual Budget para sa susunod na taon, upang masigurong ang bawat programa at proyekto ay makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa ating mga kabataan.

Bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok at pamumuno, binigyan din ng Certificate of Recognition ang tatlong President ng iba’t ibang organisasyon: ABKD, KKDAT, at KSK, kasama ang kani-kanilang mga officers, bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta at serbisyo sa kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng Katipunan ng Kabataan na dumalo at aktibong nakilahok. Ang inyong boses at partisipasyon ay mahalaga sa patuloy na pagbuo ng mas maunlad at nagkakaisang komunidad.

Naglingkod, naglilingkod, at handang maglingkod dahil ang tanging misyon ay magserbisyo para sa DIYOS, BAYAN, AT KABATAAN.💙💖

📣 ATTENTION, KABATAANG OTSO! 📣Handa na ba kayo sa isang makabuluhan at empowering na araw? ✨Inaanyayahan ang lahat ng ka...
24/12/2025

📣 ATTENTION, KABATAANG OTSO! 📣

Handa na ba kayo sa isang makabuluhan at empowering na araw? ✨
Inaanyayahan ang lahat ng kabataang Otso na makiisa sa aming:

🎉 KK ASSEMBLY
🛠️ LIVELIHOOD TRAINING
🎓 EDUCATIONAL ASSISTANCE

📅 December 27
📍 Para sa Kabataang Otso

Ito ay araw ng kaalaman, oportunidad, at pagkakaisa; mula sa paghubog ng inyong boses bilang kabataan, paglinang ng kasanayan para sa kabuhayan, hanggang sa tulong para sa inyong edukasyon.

💡 Sama-sama nating palakasin ang kinabukasan ng kabataang Otso!
Huwag palampasin… kita-kits! 💙🔥





✨ A Successful DAPC Week 2025! ✨The Sangguniang Kabataan of Brgy. 8, Lucena City, together with our youth partner organi...
02/12/2025

✨ A Successful DAPC Week 2025! ✨
The Sangguniang Kabataan of Brgy. 8, Lucena City, together with our youth partner organizations — ABKD Barangay 8 , KKDAT Barangay 8 and KSK Barangay Otso — proudly concludes the Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week 2025! 💙💛

One of the highlights of this year’s celebration was the seminar led by Sir Giovanni Jimenez Angara, RN from the City DOH Office – Lucena. His insightful discussion empowered our youth with valuable knowledge on drug prevention, health awareness, and responsible decision-making. We are truly grateful for his time, expertise, and dedication to our community. 🙏💉

We also extend our heartfelt appreciation to the Student League of Students Organization of Southern Luzon State University - Lucban who generously offered helping hands throughout the activity. Their support, energy, and teamwork helped make the event more organized, engaging, and successful 💛🙌 & Chanox Photobooth for capturing the joy of our participants with creative, vibrant, and smile-ready photos that made our celebration even more memorable! 📸✨

Through this celebration, participants enjoyed various activities such as Anti-Drug Film Viewing, Art Exhibits, Photobooths, Digital Poster Making, and the iKNOW Drugs Quiz Challenge—all designed to inspire a drug-free lifestyle.

With the theme:
“Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Iniiwasan.”
we continue our mission to strengthen awareness, promote prevention, and uplift the youth toward a healthier, safer community. 🚫💊

Thank you to everyone who became part of this meaningful event!
Prevention starts with awareness, and control begins with YOU. 💙✨

✨📸
02/12/2025

✨📸

Drug Abuse Prevention and Control Week 2025TobaccOff Seminar | November 24, 2024📍Brgy. Hall, Brgy. 8, Lucena City✨ Here ...
27/11/2025

Drug Abuse Prevention and Control Week 2025
TobaccOff Seminar | November 24, 2024
📍Brgy. Hall, Brgy. 8, Lucena City

✨ Here is an inspirational message from our Hon. SK Chairperson Crishkey P. Cuario, delivered during the TobaccOff Seminar held at our Barangay Hall and attended by the students in our community.

Isang mensahe na tunay na iniaalay para sa lahat ng kabataan ng Barangay 8—upang magbigay-lakas, paggabay, at paalala na piliin ang tama para sa isang ligtas at magandang kinabukasan. 👏☝

"Back Off When? Back Off NOW! 🚫💨"November 24, 2025Patuloy ang adhikain ng Barangay 8, Lucena City sa pagsugpo ng bisyo a...
27/11/2025

"Back Off When? Back Off NOW! 🚫💨"
November 24, 2025

Patuloy ang adhikain ng Barangay 8, Lucena City sa pagsugpo ng bisyo at droga para sa isang ligtas, malusog, at progresibong komunidad!

Kamakailan ay isinagawa ang TobaccOFF NOW Seminar sa Barangay 8 Hall na dinaluhan ng ating masisiglang estudyante, kasama ang presensya at suporta ng iba’t ibang youth organizations tulad ng ABKD, KKDAT, at KSK Organization.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga naging panauhin at katuwang sa programang ito:
🙏 – Lucena City Anti-Drug Abuse Office
🙏 Head on Drug Education, Community Patroller TobaccOFF NOW Dan Bautista
🙏 DepEd Lucena East IV – sa aktibong pakikiisa at suporta para sa kabataan

Sa pangunguna ng ating SK at suporta ng buong Sangguniang Barangay 8 Official Page, patuloy nating isinusulong ang tamang kaalaman at pag-iwas sa sigarilyo, alak, v**e, at iligal na droga.

Sama-sama nating pangalagaan ang kinabukasan ng kabataan at itaguyod ang isang ! 💙❤️





Address

Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Brgy. 8, Lucena City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share