24/07/2024
Dahil sa patuloy na pag ulan at posibilidad ng paglakas pa ng habagat, ang husgado ng Lucena City, Regional Trial Court, kabilang ang sangay ng 55 (Branch 55), ay walang pasok bukas, Huwebes, ika-25 ng Hulyo (July 25), taon 2024.
Ang lahat ay inaabisuhan na ang mga nakatalang pandidinig sa na banggit na petsa ay pansamantalang ikakansela at ipagpapatuloy na lamang sa lalong madaling panahon.
Ngunit, sa kabila nito, ang ano mang katanungan mayroon sila ay maaring ipabatid sa pamamagitan ng text, email o private message sa page ng naturang sangay.
09491316880 – Ito po ang numero na maari ninyong padalhan ng text message kung may katanungan man kayo sa kasong nakabinbin sa Branch 55.
[email protected] – ito naman po ang email address na maari ninyong padalhan ng mga pleadings o pormal na kasulatan na dapat aksyonan ng nabanggit na sangay.
fb.me/Branch55rtcQuezon – ito naman po ang Official page ng Branch 55 kung saan maari kayong mag follow-up ng katayuan ng isang kaso, kasunod na petsa ng pandidinig nito, at iba pa, mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Maraming salamat po.
Trial Court