Sangguniang Panlungsod - Lucena City

Sangguniang Panlungsod - Lucena City The official page of the 20th Sangguniang Panlungsod of the City of Lucena, Quezon Province.

Mabigyan ng sapat na espasyo ang mga tagapangasiwa ng kaayusan at kaligtasan upang lalo pang mapalakas ang security, saf...
28/05/2026

Mabigyan ng sapat na espasyo ang mga tagapangasiwa ng kaayusan at kaligtasan upang lalo pang mapalakas ang security, safety, at peace and order sa Lucena City.

Ito ang pangunahing paksa sa pagdinig na isinagawa ng Committee on Laws, Rules and Human Rights sa pangunguna ni Councilor Reil Briones, Chair, sa SP Session Hall ngayong Mayo 28.

Nakapailalim ito sa Legislative Proposal No. 20-05-359 o ang resolusyon na nagbibigay pahintulot kay Mayor Mark Don Victor B. Alcala na ilaan sa Philippine National Police (PNP) ang dalawang ektaryang lupain sa Barangay Ibabang Talim para sa pagtatayo ng Lucena City Police Office at iba pang pasilidad ng kapulisan.

Nakasama rin ang mga Councilor na sina Wilbert McKinly Noche, Benito Brizuela Jr, at Sunshine Abcede-Llaga sa paghihimay sa nabanggit na panukala.

Humarap ang mga resource persons na sina City Legal Officer Atty. Sheila De Leon, Lucena PNP Chief PLT.COL. Ryan Hernandez, City General Services Officer Alyssa Marie Mijares, City Assessors Officer Ma. Florentina Ederon at SP Secretary Leonard Pensader gayundin ang mga kinatawan ang mga tanggapan ng City Engineering at City Administrator.

Bunga ng mahigpit na pagtalima sa RA 9485 at RA 11032, muling kinilala ang mahusay na serbisyo ng SANGGUNIANG PANLUNGSOD...
25/05/2026

Bunga ng mahigpit na pagtalima sa RA 9485 at RA 11032, muling kinilala ang mahusay na serbisyo ng SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUCENA matapos nitong makuha ang 2ND BEST IMPLEMENTER sa Big Office Category ng “Sa Lucena, VIP Ka” para sa ikatlong linggo ng Mayo.

Pitong Legislative Proposals ang tinalakay sa ika-42 Regular Session ngayong May 25.Pinangunahan ang sesyon ni Presiding...
25/05/2026

Pitong Legislative Proposals ang tinalakay sa ika-42 Regular Session ngayong May 25.

Pinangunahan ang sesyon ni Presiding Officer Roderick “Dondon” Alcala katuwang ang bumubuo ng konseho.

Sa unang pagbasa, inaprubahan ang proposed ordinance para sa panibagong tatlong (3) buwang experimental traffic at parking scheme in Lucena City.

Aprubado na rin ang Fiscal Year 2026 Annual Budget ng mga Sangguniang Kabataan ng Barangay Mayao Silangan, Parada, Gulang-Gulang, Ibabang Dupay at 9.

Sa layuning palawakin ang access ng mga Lucenahin sa libre at abot-kayang serbisyong medikal, nagsagawa ang SP Committee...
20/05/2026

Sa layuning palawakin ang access ng mga Lucenahin sa libre at abot-kayang serbisyong medikal, nagsagawa ang SP Committee on Health & Sanitation ng pagdinig ngayong hapon, ika-20 ng Mayo.

Pinangunahan ni Konsehal Dr. Edwin Pureza, Chairman, ang talakayan kasama si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga hinggil sa “A Resolution Authorizing the City Mayor Hon. Mark Don Victor B. Alcala to Enter Into a Memorandum of Agreement with Lucena United Doctors Hospital (LUDH) for Bagong Lucena Health Program (BLHP).”

Naging resource persons si CHO Head Dr. Jocelyn Chua at City Accountant Ella Michelle Azagra kasama ang mga kinatawan ng Offices of the City Legal, City Budget at City Administrator gayundin ang LUDH.

Ang BLHP ay isang programa ng City Government of Lucena na naglalayong palawakin ang akses sa kalusugan sa pamamagitan ng pinalakas na healthcare services and partner institutions.

Sinuportahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala an...
18/05/2026

Sinuportahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga oportunidad para sa kabataan ng lungsod ng Lucena.

Ito ay matapos aprubahan ang 10 panukala para sa kabataan mula sa labing tatlong agenda sa isinagawang 41st Regular Session, today, May 18.

Kabilang sa inaprubahan ng konseho ang FY 2026 Annual Budget ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Mayao Parada, Ibabang Dupay, 9, 11, 7, 3 at 1 gayundin ang ordinansa hinggil sa Voters Education at Facility Operation & Maintenance ng SK Barangay 2.

Upang maging mas komprehensibo ang panukalang ordinansa na magtatatag ng Lucena City Animal Code, nagpatawag ng Public H...
14/05/2026

Upang maging mas komprehensibo ang panukalang ordinansa na magtatatag ng Lucena City Animal Code, nagpatawag ng Public Hearing ang Committee on Laws, Rules and Human Rights, today, May 14.

Sa pangunguna ni Konsehal Reil Briones, Chairperson, kasama sina Konsehal Elizabeth Sio, City Veterinarian Dr. Melanie Hernandez at Assistant City Legal Officer Atty. Francisco Ferdinand Lagman masusing sinuri sa pagdinig ang bawat artikulo at seksyon na nakapaloob sa Legislative Proposal No. 20-02-274.

Nagkaroon din ng open forum kung saan binigyang pagkakataon ng komite ang mga dumalo na magbigay ng komento, mungkahi at rekomendasyon kaugnay ng naturang proposed ordinance.

Dinaluhan ito ng mga resource persons mula sa LGU Lucena, Private Sector, Barangay Councils, DILG Lucena, Lucena PNP, Bureau of Animal Industry at mga Pet Shop Owners sa lungsod.

Pinasalamatan naman ni Konsehal Briones ang lahat ng dumalo at nakiisa sa pagdinig dahil sa kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng animal welfare, responsableng pag-aalaga at pangangalaga sa kapakanan ng mga animals sa Lucena City.

Nagsagawa ng ika-apat na Special Session ang 20th Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Presiding Officer Vice...
14/05/2026

Nagsagawa ng ika-apat na Special Session ang 20th Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ngayong May 14.

Tinalakay sa naturang sesyon ang, “A Resolution Adopting the Supplemental Annual Investment Program (AIP) of the City Government of Lucena.”

Sa oras ng kabatiran, humarap sina City Treasurer Lerma Fajarda, City Accountant Ella Michelle Azagra, City Budget Officer Rosalina Castillo at CPDO Coordinator Julieta Aparicio bilang mga resource persons.

Magalang na sumagot ang mga nabanggit na department heads sa mga katanungan ng mga konsehal upang higit na mabigyang-linaw ang naturang panukalang resolusyon partikular sa pondong ilalaan para sa programa na nakapaloob sa Supplemental AIP ng Lucena City.

Sa pagtatapos ng sesyon, pinagtibay ng konseho ang nasabing panukala na nakapaloob sa Resolution No. 20-02-086.

Dalawang resolutions ang dininig ng Committee on Engineering, Public Works, Infrastructure, Government Properties & Mana...
12/05/2026

Dalawang resolutions ang dininig ng Committee on Engineering, Public Works, Infrastructure, Government Properties & Management sa pangunguna ni Konsehal Wilbert McKinley Noche, Chairperson, sa SP Session Hall ngayong May 12.

Nakapaloob sa mga nasabing panukala ang Legislative Proposals No. 20-05-352 & 20-05-353 o “A Resolution Authorizing the City Mayor on behalf of the City Government of Lucena to Enter Into a Grant of Right of Way with Meralco Over Portions of Property Owned by the City Government of Lucena Located at Barangay Marketview” & “A Resolution Authorizing the City Mayor on behalf of the City Government of Lucena to Enter into a Grant of Right of Way with Meralco Under Project No. X26041057221.”

Dumalo bilang resource persons sina City Accountant Ella Michelle Azagra, Assistant City Legal Officer Atty. Francisco Ferdinand Lagman at Assistant City Treasurer June Kean Garcia kasama ang mga kinatawan ng mga opisina ng City Budget, City Engineering at City Administrator. Humarap at nakiisa rin sa hearing ang representative ng MERALCO Lucena Business Center na si Dan Emil Barrena, Sales & Relationship Management Officer.

Sa panibagong linggo ng paglilingkod, 13 legislative proposals ang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa gi...
11/05/2026

Sa panibagong linggo ng paglilingkod, 13 legislative proposals ang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa ginanap na ika-40 Regular Session ngayong May 11.

Pinangunahan ni Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Presiding Officer, ang talakayan hinggil sa tatlong resolusyon, dalawang ordinansa, isang aplikasyon para sa accreditation ng isang samahan at pitong Fiscal Year 2026 Annual Budget ng mga Sangguniang Kabataan ng Barangay 1, 3, 7, 11, Mayao Crossing, Cotta at Domoit.

Patunay ang mga panukalang ito sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng konseho na mapabuti ang mga serbisyong hatid sa mamamayang Lucenahin.

Mapalakas ang kahandaan ng Lungsod ng Lucena laban sa lindol at iba pang geologic hazards ang layon ng pagdinig hinggil ...
07/05/2026

Mapalakas ang kahandaan ng Lungsod ng Lucena laban sa lindol at iba pang geologic hazards ang layon ng pagdinig hinggil sa Legislative Proposal No. 20-05-348 na isinagawa ng Committee on Disaster Resiliency & Management sa pamumuno ni Konsehal Ryan Caezar Alcala, Tagapangulo, ngayong Huwebes ika-7 ng Mayo.

Ang panukalang ito ay may pamagat na, “A Resolution Authorizing the City Mayor, on Behalf of the City Government of Lucena, to Enter Into a Memorandum of Agreement with the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) for the Installation and Maintenance of a Continuous Global Positioning System (GPS) Receiver for the City of Lucena.”

Nakiisa sa committee hearing si Konsehal Benito Brizuela, Jr.

Ipinaliwanag ni CDRRMO Head Janet Gendrano ang kahalagahan ng nasabing MOA sa lungsod dahil sa pamamagitan ng GPS Receiver ay magiging mas madali ang pagsukat at pagsubaybay sa ground movement sa loob ng 50-kilometer radius.

Dinaluhan din ito ng mga kinatawan ng Offices of the City Legal, City Admin at DILG Lucena.

Sa pagdinig na isinagawa ng Committee on People’s Participation, Public Affairs and Information ngayong May 7, sinuri an...
07/05/2026

Sa pagdinig na isinagawa ng Committee on People’s Participation, Public Affairs and Information ngayong May 7, sinuri ang “Application for Accreditation of Natatanging Sektor ng mga may Kapansanan sa Lungsod ng Lucena.”

Naganap ito sa pamumuno ni Councilor Ryan Caezar Alcala, Chairperson, kasama sina Councilors Elizabeth Sio at Benito Brizuela Jr.

Napakinggan ng komite ang pahayag nina Farley Pingol Jr., Pangulo, at Celina Dañez, Kalihim, kung saan kanilang ipinaliwanag ang kahalagahan ng naturang panukala na anila’y malaking tulong para sa kapakanan at kagalingan ng mga Lucenahing may special needs.

Binigyang diin ng mga pinuno ng samahan na sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga pribadong organisasyon ay nakapamahagi sila ng artificial legs, wheelchairs, hearing aids at iba pang pangangailangan ng kanilang kapwa PWDs.

Sumuporta sa hearing bilang mga resource persons ang mga representative ng City Administrator’s Office at DILG Lucena.

Address

Lucena City Government Complex, Purok Diversion Road, Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Panlungsod - Lucena City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share