Public Information Office - City of Lucena

Public Information Office - City of Lucena Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Public Information Office - City of Lucena, Government Official, Lucena City Government Complex, Diversion Road, Barangay Mayao Kanluran, Lucena.

Mission
To provide accurate information dissemination to the public through TV programs, coverage and to dispense information of public interest and promote participation in community and civic activities. Vision
To create an atmosphere wherein the citizens become closer to the City Government through its programs, projects and generate public interest in it's vision to enhance public service towards a more progressive and prosperous city.

IN PHOTOS | Iniulat ng Association of Barangay Captains-Lucena Chapter (ABC) ang mga naging tagumpay at accomplishment n...
14/09/2026

IN PHOTOS | Iniulat ng Association of Barangay Captains-Lucena Chapter (ABC) ang mga naging tagumpay at accomplishment nito mula sa huling quarter ng 2025 hanggang sa kasalukuyan sa regular flag-raising ceremony ngayong Lunes, Setyembre 14, bilang host ng programa.

Sa pangunguna ni Barangay Talao-Talao Chairman at ABC President Reil Briones, buong pagmamalaki nitong inilahad na matagumpay na nasuri at naipasa ang Annual Budget ng 33 barangay at 10 Supplemental Budget No. 1 para sa Fiscal Year 2026.

Aktibo rin ang ABC sa mga talakayan hinggil sa mga polisiya, kung saan naging author si Briones ng anim na resolusyon at isang ordinansa, habang co-author naman sa 25 resolusyon at 13 ordinansa.

Nakagawa rin ng paraan ang Liga ng mga Barangay upang makapag-abot ng tulong pinansyal mula sa Annual Liga Dues sa mga kababayang nasalanta ng sunog.

Naging benepisyaryo rin ang Lungsod ng Lucena ng halagang 200,000 tulong pinansyal mula sa Malacañang sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang.”

Taos-pusong pinasalamatan ni Briones sina Mayor Kuya Mark Alcala, Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, DILG Lucena HUC Director Leandro Gigantoca at ang Sangguniang Panlungsod sa patuloy na suporta at paggabay sa kanilang asosasyon.

14/09/2026

LIVE | 57th Regular Session, 20th Sangguniang Panlungsod of the City of Lucena, September 14.

Pagbati mula sa Pamahalaang Panlungsod!
14/09/2026

Pagbati mula sa Pamahalaang Panlungsod!

Happy Birthday, PBBM! Malugod na binabati ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ng isang Maligayang Kaarawan ang Pangulo n...
13/09/2026

Happy Birthday, PBBM!

Malugod na binabati ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ng isang Maligayang Kaarawan ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, His Excellency Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang lingkod bayan na si SFO1 Jan Vincent Alba mula sa kagawaran ng Lucena City Fir...
11/09/2026

Ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang lingkod bayan na si SFO1 Jan Vincent Alba mula sa kagawaran ng Lucena City Fire Station.

Itinanghal itong Regional Qualifier ng Gawad Dangal ng Bayan sa 2026 Gawad Lingkod Bayani ng Civil Service Commission.

Ito ay dahil sa kaniyang hindi matatawarang dedikasyon at kontribusyon sa larangan ng paglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayang Lucenahins.

Hats off, Sir Alba!

PABATID | Magkakaroon ang PESO Lucena ng Mini Job Fair ngayong September 14, (Monday), mula 8AM to 3PM sa 3/F, The Event...
11/09/2026

PABATID | Magkakaroon ang PESO Lucena ng Mini Job Fair ngayong September 14, (Monday), mula 8AM to 3PM sa 3/F, The Event Center, SM City Lucena.

Sa mga naghahanap ng trabaho, dalhin lamang ang inyong updated resume.

See you, Lucenahins Job Seekers!

TINGNAN | Naging sentro ng 3rd Quarter 2026 Joint Meeting ng City Peace and Order Council, City Task Force ELCAC at City...
10/09/2026

TINGNAN | Naging sentro ng 3rd Quarter 2026 Joint Meeting ng City Peace and Order Council, City Task Force ELCAC at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CPOC-CTF ELCAC-CDRRMC) ang mga hakbang para sa patuloy na pagpapaigting ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga Lucenahin ngayong Huwebes, Setyembre 10, sa SP Session Hall.

Pinangunahan ni Mayor Kuya Mark Alcala ang pagpupulong kasama sina SP Committee Chairperson on Peace and Order Americo Lacerna, DILG Lucena HUC Director Leandro Gigantoca, Lucena PNP Chief of Police PLT. Col. Ryan Hernandez, CADAC Supervising Administrative Officer Francia Malabanan at CDRRMC Head Janet Gendrano.

Dumalo rin ang mga department heads at kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng lokal at pambansang pamahalaan, uniformed personnel, at private sector.

Tinalakay ang mga isyu at concerns ng CPOC, kabilang ang mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at holiday season gayundin ang pagpapalakas ng awareness ng mga kabataan hinggil sa West Philippine Sea.

Kasabay ng pagpupulong ang awarding ng Certificate for Retention of Drug Cleared Status sa 22 barangay na isinagawa ng City Anti-Drug Abuse Office.

Iniulat naman ng LDRRMC ang kanilang mga accomplishment at mga hakbang para tugunan ang concerns ng mga barangay na kabilang sa flood-prone areas.

Binigyang-diin ni Mayor Alcala ang kahalagahan ng prevention sa pagtugon sa mga sakuna at pinasalamatan ang lahat ng ahensya sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan para sa kaayusan at kaligtasan ng mga Lucenahin.

LOOK | “…nasa magkakaibang direksyon kayo ng inyong buhay na may ibat-ibang talento, skills at expertise…nasa pinakamaha...
09/09/2026

LOOK | “…nasa magkakaibang direksyon kayo ng inyong buhay na may ibat-ibang talento, skills at expertise…nasa pinakamahalagang phase kayo ng life which is yung inyong kabataan.”

Bahagi ito ng mensahe ni Mayor Kuya Mark Alcala sa naganap na Youth Convention sa LCC ngayong Miyerkules, September 9.

Pinasilidad ang programa ng Lucena Youth Development Office sa pangunguna ni Rick Anthony Misiera, LYDO Head katuwang ang City SK Federation sa pamumuno ni City Councilor Angelica Akcala, SK Federation President.

Dumalo sa aktibidad si Engr. Edenia Libranda, Assistant SDS gayundin ang 1500 na kabataan kabilang ang mga SK Officials, BS Public Ad students ng DLL at leaders ng ibat-ibang youth organizations sa lungsod.

Tinalakay ng mga resource speakers na sina NYC CALABARZON Area Officer & Cluster Head, Amerson Aguinaldo na kumatawan kay Usec. Joseph Francisco Ortega, National Youth Commission Chairperson at Nestie Villaviray, Program Staff of the Institute of Politics & Governance ang mahalagang kontribusyon
at pakikilahok ng mga kabataan tungo sa maunlad at nagkakaisang komunidad.

Pinarangalan din sa programa ang ibat-ibang youth leaders, organizations, groups and partners sa Gawad Binhi.

Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng Citywide Linggo ng Kabataan 2026.

09/09/2026

TV12 Balita September 10, 2026

08/09/2026

TV12 Balita September 9, 2026

Address

Lucena City Government Complex, Diversion Road, Barangay Mayao Kanluran
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office - City of Lucena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share