Municipal Gender and Development Lucban

Municipal Gender and Development Lucban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Gender and Development Lucban, Public & Government Service, Quezon Avenue, Lucban.

Sa mga nagdaang buwan, dumarami ang mga naiuulat na insidente ng bullying at karahasan sa mga paaralan. Nais nating ipaa...
25/06/2026

Sa mga nagdaang buwan, dumarami ang mga naiuulat na insidente ng bullying at karahasan sa mga paaralan. Nais nating ipaalala na ang bawat mag-aaral ay may karapatang makapag-aral sa isang ligtas, mapayapa, at inklusibong kapaligiran.

Alam mo ba?

Sa ilalim ng Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, ipinagbabawal ang anumang uri ng bullying sa mga paaralan. Kabilang dito ang:
✔️ Pisikal na pananakit
✔️ Pang-aasar at panlalait
✔️ Pananakot o pagbabanta
✔️ Paninira ng reputasyon
✔️ Social exclusion o sadyang pang-iisa sa kapwa
✔️ Cyberbullying sa social media at iba pang online platforms

Kung ikaw ay biktima ng bullying:
• Huwag manahimik. Hindi mo ito kasalanan.
• Isumbong agad sa iyong g**o, guidance counselor, school head, o magulang.
• Kung online ang pang-aapi, itago ang screenshots o iba pang ebidensya.
• Humingi ng suporta sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Kung ikaw naman ay nakasaksi ng bullying:
• Huwag makisali o hikayatin ang pang-aapi.
• Suportahan ang biktima at iparamdam na hindi siya nag-iisa.
• Iulat ang insidente sa g**o, guidance counselor, o school authorities.
• Maging upstander, hindi bystander—ang iyong pagkilos ay maaaring makapagligtas ng isang kapwa mag-aaral.

Ang tunay na lakas ay makikita sa paggalang, kabaitan, at pagtatanggol sa mga naaapi.

Sama-sama nating itaguyod ang isang Bully-Free, Safe, at Inclusive School para sa lahat.

HAKBANG TUNGO SA PANTAY AT INKLUSIBONG LIPUNAN Ngayong araw, Hunyo 22, 2026, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barang...
22/06/2026

HAKBANG TUNGO SA PANTAY AT INKLUSIBONG LIPUNAN

Ngayong araw, Hunyo 22, 2026, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barangay Kakawit ang Gender Sensitivity Training na may temang “Hakbang Tungo sa Pantay at Inklusibong Lipunan.”

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Sangguniang Barangay Kakawit sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Virgilio V. Zaide, katuwang si Kgd. Lorie V. Villenas, BGAD Focal Person, at Kgd. Juvenal C. Sales, Chairperson ng Committee on Peace and Order.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok hinggil sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, paggalang sa karapatang pantao, at pagsusulong ng isang ligtas, makatarungan, at inklusibong komunidad para sa lahat.

Ang Municipal Gender and Development Focal Point System (MGADFPS) ay lubos na nagpapasalamat sa Barangay Kakawit sa patuloy nitong pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng gender equality at gender responsiveness. Ang ganitong mga hakbang ay mahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit, paggalang, at pantay na oportunidad para sa bawat mamamayan.

Patuloy na makikiisa at susuporta ang MGADFPS sa mga programang naglalayong palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng mamamayan tungo sa pagkamit ng isang tunay na pantay at inklusibong lipunan.

HAPPY FATHER'S DAY!FREE HAIRCUT WITH A HEARTLibreng Gupit Para sa LahatBilang pagtatapos ng Pride Month Celebration 2026...
21/06/2026

HAPPY FATHER'S DAY!

FREE HAIRCUT WITH A HEART
Libreng Gupit Para sa Lahat

Bilang pagtatapos ng Pride Month Celebration 2026, naghandog ang Lucban Pahiyas LGBTQIA+ Community ng libreng serbisyo para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Free Haircut with a Heart: Libreng Gupit Para sa Lahat na ginanap sa Rizal Park, Lucban, Quezon.

Ang gawaing ito ay sa pangunguna ng Lucban Pahiyas LGBTQIA+ sa pamamagitan ni Kgd. Robert O. Macasero, Pangulo ng samahan, kasama ang kanyang mga opisyal at mga boluntaryo na naglaan ng kanilang oras, talento, at malasakit upang makapagbigay ng libreng gupit, pag-aayos ng buhok, at manicure/pedicure services sa komunidad.

Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Municipal Gender and Development Focal Point System (MGADFPS) sa pangunguna ni Hon. Agustin M. Villaverde, Municipal Mayor, at ni Mrs. Ana Liza S.J. Villaverde, 4K President, bilang patunay ng kanilang suporta sa mga programang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, inklusibong paglilingkod, at pagkakaisa sa bayan ng Lucban.

Sa pamamagitan ng simpleng serbisyong ito, naipakita ng LGBTQIA+ Community na ang Pride Month ay hindi lamang pagdiriwang ng pagkakaiba-iba, kundi isang pagkakataon upang maglingkod, magbahagi, at magbigay inspirasyon sa ating kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng mga volunteer barbers, hair stylists, beauticians, manicure/pedicure service providers, at sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito.

PANUNUMPA NG MGA BAGONG OPISYAL NG LUCBAN PAHIYAS LGBTQIA+ 🏳️‍🌈Ngayong araw ay pormal na nanumpa sa harap ni Hon. Agusti...
15/06/2026

PANUNUMPA NG MGA BAGONG OPISYAL NG LUCBAN PAHIYAS LGBTQIA+ 🏳️‍🌈

Ngayong araw ay pormal na nanumpa sa harap ni Hon. Agustin M. Villaverde, Punong Bayan ng Lucban, ang mga bagong halal na opisyal ng Lucban Pahiyas LGBTQIA+, bilang tanda ng kanilang paninindigan na maglingkod at magsulong ng kapakanan, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad para sa komunidad.

📌 Mga Bagong Opisyal ng Lucban Pahiyas LGBTQIA+:

President: Hon. Robert Macasero
Vice-President: Hon. AJ Flores
Secretary: Aiza Lipit
Treasurer: Hon. Troy Zubieto
Auditor: Egie Oblefias
Public Relations Officer: Cielo Cosejo

Representatives (Le***an, Bi-Female & Transmen Community):
• MJ De Leon
• Audrey Chicogo

Representatives (Gay, Bi-Male & Transwomen Community):
• Beben Cadavez
• Macky Salva

Ang panunumpang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagkilala at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Lucban sa LGBTQIA+ community at sa mahalagang papel nito sa pagtataguyod ng isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa. Ang pagsusulong ng inclusivity at pantay na oportunidad para sa lahat ay kaakibat din ng mga adhikain ng Pride Month at ng pambansang pagsusulong ng paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino.

Nawa'y maging matagumpay ang inyong paglilingkod para sa komunidad at sa buong Bayan ng Lucban.

LOVE BREWS HERE! Celebrate Pride, community, and a great cup of coffee with us! 💖🏳️‍🌈Join the LAB Q’TA (Laya at Bahaghar...
04/06/2026

LOVE BREWS HERE!

Celebrate Pride, community, and a great cup of coffee with us! 💖🏳️‍🌈

Join the LAB Q’TA (Laya at Bahaghari: Quezon, Tara!) Kick-Off Event and enjoy an exclusive treat from Coffee Buddy Lucban!

✨ Get 10% OFF on your purchase when you:
✅ Join the LAB Q’TA event
✅ Visit Coffee Buddy Lucban
✅ Present your Pride Flag or any Pride-themed accessory

📅 June 6, 2026 (Saturday)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Coffee Buddy Lucban, Quezon

Every cup shared is a step toward a more inclusive, accepting, and vibrant community. Together, let's celebrate diversity, equality, and the freedom to express ourselves proudly.

🏳️‍🌈 PRIDE MONTH 2026 | ISANG MAKULAY NA PAANYAYA 🏳️‍🌈Sama-sama nating ipagdiwang ang Pride Month 2026 sa pamamagitan ng...
01/06/2026

🏳️‍🌈 PRIDE MONTH 2026 | ISANG MAKULAY NA PAANYAYA 🏳️‍🌈

Sama-sama nating ipagdiwang ang Pride Month 2026 sa pamamagitan ng pagkilala sa pagkakaiba-iba, pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, at pagbuo ng isang ligtas at inklusibong komunidad para sa lahat.

Inaanyayahan ang lahat—LGBTQIA+ Community, mga pamilya, kaibigan, at allies—na makiisa sa mga espesyal na aktibidad na inihanda para sa pagdiriwang ng Pride Month sa Lucban.

🌈 LAB Q' TA (Laya Bahaghari: Quezon Tara!)
📅 June 6, 2026
🕒 3:00 PM onwards
📍 Rizal Park, Lucban, Quezon

Makisaya sa isang hapon ng pagkakaisa, pagpapahayag ng sarili, at pagdiriwang ng ating makulay na komunidad.

🏳️‍🌈 PALARONG BAHAGHARI
📅 June 11, 2026
🕖 7:00 AM onwards
📍 ATV Gymnasium, Lucban, Quezon

Makilahok sa mga palaro at gawaing nagtataguyod ng sportsmanship, pagkakaibigan, at pagkakaisa habang ipinagdiriwang ang Pride Month.

Sa ilalim ng diwa ng Safe Spaces Act (RA 11313), patuloy nating isusulong ang isang Lucban na ligtas, mapagkalinga, at malaya sa diskriminasyon—isang pamayanang may puwang para sa lahat at may paggalang sa dignidad ng bawat isa.

✨ Halina't makiisa.
✨ Magpahayag ng suporta.
✨ Maging bahagi ng isang komunidad na may paggalang, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay.

Makulay na pakikiisa para sa isang ligtas, inklusibo, at pantay na komunidad! Sa pangunguna ng ating mga Barangay Gender...
28/05/2026

Makulay na pakikiisa para sa isang ligtas, inklusibo, at pantay na komunidad!

Sa pangunguna ng ating mga Barangay Gender and Development (BGAD) Focal Person, unti-unti nang naipapakita ng iba’t ibang barangay ang kanilang suporta sa LGBTQIA+ Community sa pamamagitan ng paglalagay ng LGBTQIA+ Flags sa kani-kanilang lugar bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo.

Ang simpleng hakbang na ito ay simbolo ng pagkilala, paggalang, at pagtanggap sa bawat isa anuman ang kasarian, pagkakakilanlan, at pagpapahayag ng sarili. Patuloy nating isulong ang isang komunidad na walang diskriminasyon at may malasakit para sa lahat.

Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at itaguyod ang karapatan at dignidad ng bawat mamamayan.

Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo 2026, muli nating pinagtitibay ang kahalagahan ng pagbuo ng komunidad na lig...
26/05/2026

Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo 2026, muli nating pinagtitibay ang kahalagahan ng pagbuo ng komunidad na ligtas, pantay-pantay, at bukas para sa lahat.

Sa ilalim ng Safe Spaces Act (RA 11313), may karapatan ang bawat isa na mamuhay nang malaya mula sa diskriminasyon, pang-aabuso, pananakot, at anumang uri ng karahasang nakabatay sa kasarian at identidad.

Ang tunay na ligtas na komunidad ay nagsisimula sa:
✨ Paggalang sa dignidad ng bawat tao
✨ Pakikinig nang walang panghuhusga
✨ Pagtanggap sa pagkakaiba-iba
✨ Paninindigan laban sa diskriminasyon
✨ Pagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat

Walang sinuman ang dapat matakot maging totoo sa kanilang sarili.

Sama-sama nating itaguyod ang isang Lucban na inklusibo, mapagkalinga, at ligtas para sa bawat mamamayan.

🌈 One Community. One Pride. One Lucban.

MAY 21, 2026 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆!Matagumpay na isinagawa ang Barangay MOVE Cap...
21/05/2026

MAY 21, 2026

𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆!

Matagumpay na isinagawa ang Barangay MOVE Capability Building na may temang:
“Strengthening Barangay Response: Practical Counseling Skills for Handling VAWC Perpetrators at the Barangay Level”
na dinaluhan ng mga kinatawan ng Barangay MOVE at BGAD mula sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Lucban kasama rin ang SLSU MOVE.

Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga barangay responders sa mas maayos, makatao, at gender-responsive na pagharap sa mga kaso ng Violence Against Women and their Children (VAWC) sa antas ng komunidad.
Taos-pusong pasasalamat po sa ating Resource Person, 𝐏𝐫𝐨𝐟. 𝐑𝐞𝐧𝐞 𝐏. 𝐙𝐮𝐛𝐢𝐞𝐭𝐨, Director ng SLSU GAD, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at mahahalagang pananaw na tunay na nakatulong sa ating mga kalahok.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Lucban sa pangunguna ni Hon. Mayor Agustin "Tenten" Villaverde, Kon. Nikke Deveza-Abuy, Kon. Aven Bince Rada, Kon. Pio Lim Jr., MOVE Lucban, Barangay Gender and Development at lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito.

Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, makatarungan, at violence-free na komunidad para sa lahat.

12/05/2026

Address

Quezon Avenue
Lucban
4328

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Gender and Development Lucban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share