11/04/2026
Tingnan | COA Compliance Workshop 2026 | Abril 8, 2026
Isinagawa ang COA Compliance Workshop sa Conference Room ng Sangguniang Panlalawigan, Lucena City. Ang aktibidad ay inisyatibo ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation – Quezon Chapter sa pangunguna ni Bokal Jackelyn D. Delimos. Nagbahagi ng kaalaman at karanasan si G. Aaron Jay V. De Guzman, PPSK Treasurer ng Bayan ng Atimonan, Quezon hinggil sa tamang pagsasagawa at pagsusuri ng mga COA Annexes.
Layunin ng workshop na palakasin ang kakayahan ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa wastong pamamahala ng pondo, upang matiyak ang transparency, accountability, at epektibong pagpapatupad ng mga programang nakalaan para sa kabataan.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin ng Commission on Audit (COA) upang maiwasan ang kakulangan sa dokumentasyon.