25/04/2026
ABRIL 25, 2026 | KABATAANG ALERTO: FIRST AID AND DISASTER PREPAREDNESS TRAINING AND SEMINAR
- Station 3: Disaster Family Preparedness and Awarding Ceremony
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating Disaster Family Preparedness session bilang bahagi ng “Kabataan Alerto: First Aid & Disaster Preparedness Training”!
Lubos naming kinikilala at pinasasalamatan si Mr. John Matthew E. Elloso sa kanyang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa ng bawat pamilya sa oras ng sakuna—mula sa paghahanda ng go bag hanggang sa tamang plano sa emerhensiya.
Dahil sa sesyong ito, mas naging mulat at handa ang ating mga Kabataang Tinamnanin sa pagprotekta hindi lamang sa sarili kundi pati sa kanilang pamilya.
Handa ang kabataan, ligtas ang pamilya, matatag ang komunidad!