Lucban Municipal Cooperative Development

Lucban Municipal Cooperative Development

23/03/2026
Matagumpay na isinagawa ang General Assembly ng mga Accredited Civil Society Organizations (CSOs), March 11, 2026, na gi...
19/03/2026

Matagumpay na isinagawa ang General Assembly ng mga Accredited Civil Society Organizations (CSOs), March 11, 2026, na ginanap sa Benito Pilar Yao Hall. Dinaluhan ito ng iba’t ibang accredited na organisasyon, kabilang ang ilang mga kooperatiba na opisyal na kinilala bilang bahagi ng mga CSOs ng bayan.

‎Ang pagtitipong ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan, kooperasyon, at aktibong partisipasyon ng mga organisasyon katuwang ang lokal na pamahalaan tungo sa patuloy na pag-unlad at pagkakaisa ng komunidad.

Kimchi Production Project, isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalakas ng lokal na agrikultura at pagbubukas ng mas...
05/02/2026

Kimchi Production Project, isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalakas ng lokal na agrikultura at pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan ng mga magsasaka ng bayan.

Pinangunahan ang proyektong ito ng dalawang pangunahing kooperatiba ng Lucban: ang Lucban Farmers Agriculture Cooperative at ang Lucban Coconut Farmers Agriculture Cooperative, na siyang mangunguna sa produksyon, supply ng hilaw na materyales, at aktibong pagpapatupad ng proyekto. Sa pamamagitan ng partisipasyon ng Korean Investors, Lokal na Pamahalaan ng Lucban at dalawang kooperatiba, tiyak na direktang makikinabang rito ang mga lokal na magsasaka sa mas matatag na merkado, makabagong teknolohiya, at dagdag na kita.

Isinagawa noong Enero 29 ang unang Monthly Meeting ng Lucban Municipal Cooperative Development Council (MCD Council) par...
03/02/2026

Isinagawa noong Enero 29 ang unang Monthly Meeting ng Lucban Municipal Cooperative Development Council (MCD Council) para sa taong 2026, na dinaluhan ng iba’t ibang kooperatiba sa bayan ng Lucban.

Sa pagpupulong, ipinakilalang muli ni Dra. Lozada, Chairman ng San Luis Cooperative Development, ang Philippine Chamber of Cooperatives, kung saan tinalakay ang mga layunin at adbokasiya na naglalayong palakasin at pag-isahin ang sektor ng kooperatiba.

Pinag-usapan din ang mga nakaplanong aktibidad para sa darating na Women’s Month Celebration, kabilang ang isang One-Stop Shop Activity kung saan inaanyayahan ang ilang kooperatiba na makilahok upang maipakita ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Tinalakay rin ang nalalapit na General Assembly ng bawat kooperatiba bilang mahalagang bahagi ng transparency, partisipasyon, at patuloy na paglago ng samahan.

Kinamusta rin ng konseho ang Lucban Farmers Agriculture Cooperative (LFAC) kaugnay ng kasalukuyang usapin sa trading post at ibinahagi rin ng Chairman ng LFAC ang isang magandang oportunidad—ang Integrated Kimchi Production Project na buong pusong sinuportahan at ikinatuwa ng konseho bilang bagong hakbang tungo sa value-adding at innovation sa agrikultura.

✨ “Sa pagkakaisa, nagiging lakas ang bawat maliit na hakbang.”

Isinagawa ng Lucban Municipal Cooperative Development Council ang huling monthly meeting ng taong 2025 noong  Disyembre ...
03/02/2026

Isinagawa ng Lucban Municipal Cooperative Development Council ang huling monthly meeting ng taong 2025 noong Disyembre 10, na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal at kinatawan ng munisipyo. Kabilang sa mga inimbitahan ni CDS 1 Ma'am Avi ay ang ating Konsehal Pio Lim bilang Chairperson sa Agriculture Commitee, Acting Administrator Atty. Averia, Municipal OIC Agriculturist Ma’am Joan, at ang namamahala ng Lucban Trading Post na si Sir Nemesio Oblefias.

Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ang kahilingan ng Lucban Coconut Farmers Agriculture Cooperative at Lucban Farmers Agriculture Cooperative hinggil sa pwesto o espasyo sa Lucban Trading Post upang magkaroon ng opisina at maipagbili na rin ng direkta ang kanilang mga produkto. Kasama din sa mga tinalakay ang iba pang mga agendas at ang paparating na pulong kasama ang Philippine Chamber of Cooperatives.

“Sa pagkakaisa, nagsisimula ang tunay na pagbabago.”Nakiisa ang Lucban Municipal Cooperative Development Council sa isin...
12/01/2026

“Sa pagkakaisa, nagsisimula ang tunay na pagbabago.”

Nakiisa ang Lucban Municipal Cooperative Development Council sa isinasagawang monthly clean-up drive ng lokal na pamahalaan, kasama sa mga nakiisa ang mga kooperatiba mula sa:

SAN LUIS Development Cooperative,
Lucban Environmentalist & Agro-Forestry Multi-Purpose Cooperative,
Seafarers Multi-Purpose Cooperative,
Lucban Farmers Agriculture Cooperative at
Quezon Pahiyas Van Transport Service & Mpc - Qpvtsmpc

Ang aktibidad at pagdalo ng bawat isa ay nagpapakita ng sama-samang malasakit sa kalinisan at kaayusan ng bayan.

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit sa kapwa, ang Lucban Municipal Cooperative Development C...
17/12/2025

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit sa kapwa, ang Lucban Municipal Cooperative Development Council (LMCDC) ay nakiisa sa pagdiriwang ng Ikalawang Araw ng Misa de Gallo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit na lugaw at tinapay sa mga debotong dumalo sa banal na misa.

Sa simpleng pagbabahagi, naipakita ang diwa ng kooperatibismo: ang pagtutulungan, pagkalinga, at pag-aangat sa isa’t isa.

“Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa laki ng handog, kundi sa wagas na layunin ng puso.”

10/12/2025
Noong December 4–5, 2025, matagumpay na isinagawa ang Training on Governance and Management of Cooperatives at Fundament...
09/12/2025

Noong December 4–5, 2025, matagumpay na isinagawa ang Training on Governance and Management of Cooperatives at Fundamentals of Cooperatives sa Ouan’s the Farm Resort. Dinaluhan ito ng iba’t ibang kooperatiba mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon. Mula naman sa Lucban ay dumalo ang dalawang staff mula sa LGU Lucban kasama ang Lucban Coconut Farmers Agriculture Cooperative.
Nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman, bagong ideya, at epektibong estratehiya upang higit pang mapaunlad ang kanilang mga kooperatiba at mapatatag ang kanilang pamamahala.

Isang pasasalamat din sa Provincial Cooperative Development Office sa pagbibigay ng ganitong libreng pagsasanay na patuloy na tumutulong sa paglago at pagpapalakas ng mga kooperatiba sa lalawigan.

“Strong cooperatives are built on shared knowledge and shared purpose.”

Nakiisa ang MCDC sa isinasagawang Monthly Clean-Up Drive noong December 6, 2025 sa Bypass Road.Aktibong dumalo at nakiba...
09/12/2025

Nakiisa ang MCDC sa isinasagawang Monthly Clean-Up Drive noong December 6, 2025 sa Bypass Road.
Aktibong dumalo at nakibahagi sa gawaing pangkalinisan ang iba’t ibang kooperatiba gaya ng SLDC, LEAFMPC, QPVTSMPC, LTODA, SLSUDC, at LBMPC, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta para sa isang mas malinis at mas maayos na komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at sama-samang pagkilos, layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan ng pangunahing lansangan at itaguyod ang disiplina sa wastong pangangasiwa ng kapaligiran. Ang inisyatibong ito ay patunay na ang kooperasyon ay may malaking papel sa paghubog ng isang mas ligtas, mas maaliwalas, at mas responsableng bayan.

“Ang kalinisan ng komunidad ay hindi lang responsibilidad ng iilan — ito ay tungkulin ng lahat.”

Address

Lucban
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lucban Municipal Cooperative Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share