07/12/2025
The Team Level Up Lubao proudly celebrates its achievement after securing the Bronze Medal in the Delta Cup Inter Town Volleyball Tournament.
Isang karangalan pong maging bahagi ng kompetisyong ito, at higit na karangalan ang maipagmalaki ang tagumpay na bunga ng pagsisikap, disiplina, at pagkakaisa ng bawat manlalaro. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa aming team, kundi para sa buong bayan ng Lubao.
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Esmie Pineda at kay SB Jayson Pineda Victorinosa kanilang walang sawang suporta mula sa transport service, pagkain, hanggang sa sapatos na ipinagkaloob para sa kapakanan ng aming mga players. Ang inyong patuloy na pagtitiwala at pag-aaruga sa kabataang atleta ay nagsisilbing inspirasyon para pagbutihin namin ang bawat laro.
Taos-puso rin naming pinasasalamatan si Coach Michael Angelo Cruz at Gil Tungol sa kanilang gabay, oras, at dedikasyon upang mahasa ang aming kakayahan at mapanatili ang magandang performance ng team. Ang inyong leadership ang naging pundasyon ng aming pag-angat.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa sponsorship ng aming jersey mula kay Marty Ocampo ng Undfitd Sportswear Philippines, na nagbigay ng malaking tulong upang maging presentable, kumportable, at buo ang aming pagkakakilanlan bilang isang team.
Hindi rin namin makakalimutan ang pagpapagamit ng court ng Santa Cruz Academy Lubao Inc. (SCALI) , na nagsilbing tahanan ng aming araw araw na ensayo. Maraming salamat sa inyong suporta na nagbigay daan upang mas mapagtibay namin ang aming teamwork at kumpiyansa bago sumabak sa kompetisyon.
Ang tagumpay na ito ay patunay na kapag sama-sama, tiyak ang pag-angat.
Level Up Lubao tuloy-tuloy ang progreso, tuloy tuloy ang laban. ๐๐ฅโจ