25/10/2026
‼️ FYI ‼️
Magkakaroon po tayo ng STUDENT DRIVER'S LICENSE PROCESSING dito mismo sa ating Barangay Concepcion!
Hindi man libre, siguradong AFFORDABLE at LEGIT! Kaya sa mga nais kumuha ng Student Permit, ito na ang inyong pagkakataon upang simulan ang paglalakbay tungo sa pagiging lisensyadong driver! 🚘
📍 VENUE: Barangay Hall, Concepcion, Lubao, Pampanga
📅 PETSA: November 8, 2026
⏰ ORAS: 8:00 AM – 12:00 PM
💰 STUDENT PERMIT PACKAGE: ₱1,950 ONLY!
✅ PACKAGE INCLUSIONS:
TDC (Theoretical Driving Course)
Medical
LTO Fee
📋 MGA KAILANGANG DALHIN:
PSA Birth Certificate o National ID
Isang (1) Valid ID
📌 Ang pagbabayad ay gagawin sa mismong araw ng registration.
✨ Mayroon din pong available na serbisyo para sa NON-PROFESSIONAL LICENSE AT RENEWAL!
Huwag palampasin ang pagkakataong ito, mga Kabarangay! Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang poster sa ibaba.
Simulan na ang inyong paglalakbay tungo sa pagiging responsableng lisensyadong driver!