POSO Los Baños

POSO Los Baños The Public Order & Safety Office (POSO)-
Municipality of Los Baños is committed to promoting peace, public safety, and discipline within the community.

08/09/2026
Nagbigay ng assistance ang mga tauhan ng Public Order & Safety Office (POSO) – Special Operations Group (SOG) sa isinaga...
08/09/2026

Nagbigay ng assistance ang mga tauhan ng Public Order & Safety Office (POSO) – Special Operations Group (SOG) sa isinagawang Heritage Walk na pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama ang mga bisita mula sa Candelaria, Quezon, na pinamumunuan ni Hon. Mayor George “Ogie” D. Suayan, gayundin ang mga kinatawan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), bilang bahagi ng kanilang courtesy visit. Isinagawa ang aktibidad bandang alas-2:35 ng hapon noong Biyernes, Setyembre 4, 2026.

Sa buong aktibidad, nagbigay ang POSO-SOG personnel ng traffic assistance, crowd guidance, at security support sa isinagawang benchmarking activity upang matiyak ang maayos at ligtas na paglalakad ng grupo mula Istasyon ng Bambang patungo sa Paciano Rizal Evacuation Center, at hanggang sa pagpunta sa International Rice Research Institute (IRRI).







Noong Biyernes, September 4, 2026, bandang alas 6:06 ng umaga, nagsagawa ang Public Order & Safety Group (POSO) – Specia...
08/09/2026

Noong Biyernes, September 4, 2026, bandang alas 6:06 ng umaga, nagsagawa ang Public Order & Safety Group (POSO) – Special Operations Group (SOG) ng traffic assistance kaugnay ng isang insidente kung saan may wire na nasabitan ng isang dumaraang truck, na naging sanhi ng pagkakaabala at posibleng panganib sa mga motorista at pedestrian sa lugar.

Agad na isinagawa ng grupo ang kaukulang assistance at pag-secure sa lugar, habang nagsasagawa naman ang mga kawani ng munisipyo, gamit ang manlift truck, ng kinakailangang pag-aayos sa wire upang maiwasan ang anumang aksidente at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.




Isang colorum na trisikel ang nasabat ng Public Order & Safety Group (POSO) – Special Operations Group (SOG) habang bumi...
08/09/2026

Isang colorum na trisikel ang nasabat ng Public Order & Safety Group (POSO) – Special Operations Group (SOG) habang bumibiyaheng mula Crossing patungong Malinta bandang alas-8:47 ng gabi noong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.

Dahil sa paglabag sa mga umiiral na ordinansa at regulasyon sa pampublikong transportasyon, agad na nabigyan ng citation ticket ang drayber at tuluyang na-impound ang nasabing trisikel.

Paalala sa mga operator at drayber: Sumunod sa lahat ng batas, ordinansa, at regulasyon sa pampublikong transportasyon. Iwasang bumiyahe nang walang kaukulang prangkisa o permit upang maiwasan ang anumang paglabag, mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lansangan.

Patuloy ang pagpapatupad ng POSO-SOG laban sa mga colorum at iba pang lumalabag sa mga regulasyon upang matiyak ang ligtas, maayos, at disiplinadong daloy ng transportasyon sa lungsod.




07/09/2026

As of 8:00 AM today, 07 September 2026, the Tropical Storm "KROVANH" (formerly PILANDOK/LPA 08j) has weakened into a Tropical Depression and is being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from PAGASA-DOST.

05/09/2026

As of 2:00 PM today, 05 September 2026, the Tropical Depression (formerly LPA 09a) has exited the monitoring domain of PAGASA.

Meanwhile, the Tropical Storm with an international name "KROVANH" (formerly PILANDOK/LPA 08j) has reentered PAGASA's monitoring domain (TCID).

All are advised to monitor updates from PAGASA-DOST.

Address

Municipal Hall, National Highway, Brgy. Timugan
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when POSO Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share