Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City

Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City Welcome to the official page of the Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City.

15/09/2026

🔥 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦… 𝗠𝗔𝗬 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗦𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢! 🔥

Akala n’yo ba hindi sila darating? 👀🤘

Mula sa mga kantang sabay-sabay nating sinisigaw hanggang sa mga tugtugang bumubuhay sa bawat entablado—𝗞𝗔𝗠𝗜𝗞𝗔𝗭𝗘𝗘 has a special video greeting para sa lahat ng Los Bañense!

Panoorin ang kanilang mensahe at ihanda ang inyong mga boses dahil magkikita-kita tayo sa isa sa pinakahihintay na gabi ng 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗛𝗢𝗧𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗛𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟!

📅 𝗦𝗘𝗧𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲
📍 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗖𝗜𝗔𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗞

Ihanda ang boses. Ihanda ang energy. Dahil kapag nagsimula na ang tugtugan…

🤘🔥 𝗥𝗔𝗞𝗥𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗔, 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦! 🔥🤘

Muling ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang suporta sa pagpap...
15/09/2026

Muling ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang suporta sa pagpapaunlad ng talento at kakayahan ng kabataan sa pakikiisa nito sa unang araw ng Intercollegiate Athletic Competition and Culture and the Arts Festival ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) Los Baños nitong Setyembre 15, 2026. Pinangasiwaan nila LSPU-LB Campus Director Darwin D. Ofrin, EdD, at LSPU President Hon. Mario R. Briones, EdD, ang aktibudad na nagbigay-daan sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang husay sa larangan ng palakasan, kultura, at sining.

Kinatawan ni Coach Jonathan “Jojo” O. Francisco ng Local Youth Development Office (LYDO) at Summit Sports Academy (SSA) si Mayor Nocon bilang Guest Speaker, kung saan binigyang-pagkilala niya ang mga estudyante ng LSPU sa kanilang kahusayan sa pagbuo ng ARAL Program app na naka-install sa Rizal Tablet 2.0 para sa Rizal Classrooms of the Future (RCOF), isang inisyatiba na naglalayong maghatid ng mas makabago at mas angkop na learning environment para sa mga Kabataang Los Bañense. Ibinahagi rin niya ang mga patuloy na hakbang ng LGU sa pagsusulong ng sports development, kabilang ang libreng lingguhang pagsasanay para sa mahigit 500 kabataan at ang pagkamit ng Los Baños ng titulong Overall Champion sa katatapos na 1st Los Baños National Arnis Open.

Patuloy na itinataguyod ng Pamahalaang Bayan ang mga programang nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa kabataan na malinang ang kanilang kakayahan at maging handa sa paghubog ng isang mas umaabanteng kinabukasan.







Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) na may temang “Puso, Dangal, at Galing...
15/09/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) na may temang “Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,” isinagawa nitong Setyembre 15, 2026 (Martes) sa Municipal Multi-Purpose Hall ang Orientation on the Safe Spaces Act and the Committee on Decorum and Investigation (CODI). Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Human Resource Management Office (HRMO) sa pamamahala ni Ms. Miraflor O. Tado at Gender and Development Office (GADO) sa pangunguna ni Ms. Karen L. Mercado. Kaugnay nito, nagbahagi ng mahahalagang kaalaman si Atty. Fritzilyn Palmieri, Assistant Professor ng University of the Philippines - Los Baños (UPLB) College of Forestry and Natural Resources (CFNR) at Legal Consultant ng Office of the Anti-Sexual Harassment Affairs ng UPLB.

Dinaluhan ang orientation ng mga kinatawan mula sa bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan upang higit na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga kawani sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, gayundin sa mga tungkulin, proseso, at pananagutan ng CODI. Sa pagpapatuloy ng mga capacity-building activities para sa mga kawani, higit na napalalakas ang kamalayan sa mga pamantayan ng wastong asal sa lugar ng trabaho at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mekanismong nagpoprotekta sa dignidad at kapakanan ng bawat empleyado.







🕛 𝟮 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢!Dalawang araw na lamang bago opisyal na magsimula ang 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗛𝗢𝗧𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗛𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟!Narito ang mg...
15/09/2026

🕛 𝟮 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢!

Dalawang araw na lamang bago opisyal na magsimula ang 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗛𝗢𝗧𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗛𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟!

Narito ang mga tampok na aktibidad na dapat abangan sa 𝗗𝗔𝗬 𝟮 | 𝗦𝗘𝗧𝗬𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲:

🚩 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦
Simulan ang araw sa masasayang palaro na magbibigay-buhay sa diwa ng pagkakaisa at samahan ng bawat Los Bañense!
📍 CPP Memorial Stadium & Evacuation Center | 6:00 AM

🕺 𝗕𝗔𝗜𝗟𝗔𝗠𝗢𝗦 – 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗕𝗔𝗧𝗧𝗟𝗘
Humanda sa isang gabi ng matitinding galawan, talento, ritmo, at enerhiya habang ipinapamalas ng bawat dance crew ang kanilang husay sa entablado!
📍 CPP Memorial Stadium & Evacuation Center | 7:00 PM

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦! 💦🎉
Ihanda na ang pamilya at barkada at sama-sama tayong makisaya sa nalalapit na selebrasyon!





Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaalaman at teknolohiya sa agrikultura, matagumpay na isinagawa nitong Setyem...
14/09/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaalaman at teknolohiya sa agrikultura, matagumpay na isinagawa nitong Setyembre 14, 2026 (Lunes) ang “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat” sa Municipal Multi-Purpose Hall. Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry (DA-BPI) – Los Baños National Crop Research, Development and Production Support Center (LBNCRDPSC) at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) na pinangungunahan ni Municipal Agriculturist Ms. Cheryll L. Gonzales.

Tinalakay sa pagsasanay ang Asexual Propagation of Fruit Trees, Seeds and Seedlings Production, at Cassava Production, sa pangunguna nina BPI Manila Agriculturist II Mr. Ernie Lito Bollosa, at DA-BPI-LBNCRDPSC Senior Agriculturist Ms. Nina R. Rosales, at Agriculturist II Mr. Benito M. Sojor. Sa sesyon naman sa hapon, ibinahagi ang Field Management ng Lakatan, Integrated Pest Management para sa Insect Pests, at Integrated Pest Management ng mga Agriculturist II ng DA-BPI-LBNCRDPSC na sina Ms. Glecy P. Bandojo, Mr. Brian Joseph S. Zulueta; at Ms. Maria Narcisa V. Garcia.

Nagtapos ang programa sa pamamahagi ng Planting Materials at panghuling mensahe ni Agricultural Center Chief IV Mr. Joel L. Adorada, PhD. Naging mahalagang katuwang rin sa pagsasakatuparan ng aktibidad sina DA-BPI-LBNCRDPSC Agriculturist II at Research Section Head Ms. Cecilia C. Mallari, gayundin ang DBPI-LBNCRDPSC Center for Lowland Vegetables.

Kabilang sa mga lumahok ang mga miyembro ng Municipal Agricultural and Fisheries Council (MAFC), at iba’t ibang farmer associations kabilang ang Samahan ng Industriya ng Paggugulayan (SIPAG Los Baños), Rural Improvement Club of Los Baños (RIC-LB), Los Baños Natural Pig Raisers Association (LBPig), Samahan ng Magpapalay ng Bayog, LB Organic Association, Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) ng Tadlac Lake, LB Tropical Fruit & Flower Association, Los Baños Ornamental Vendors Association, Samahan ng Magsasaka sa Maahas, LB Veggie Move, at Samahan ng Magsasaka ng Bundok Makiling sa Lalakay (SMML), at LB Municipal Cooperative Development Council (LBMCDC). Nagsilbing dagdag na suporta ang programa sa mga kalahok at sa patuloy na pagpapalakas ng produksiyong pang-agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa Los Baños.









🤘🔥 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗟𝗨𝗘. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗛𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡. 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦, 𝗛𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗟𝗔! 🔥🤘Mula “Narda,” “Halik,” “Martyr Nyebera,” “Chiksilo...
14/09/2026

🤘🔥 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗟𝗨𝗘. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗛𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡. 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦, 𝗛𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗟𝗔! 🔥🤘

Mula “Narda,” “Halik,” “Martyr Nyebera,” “Chiksilog,” hanggang “Tsinelas”—handa na bang sabayan ang mga kantang naging soundtrack ng isang henerasyon?

𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔…
🎸🔥 𝗞 𝗔 𝗠 𝗜 𝗞 𝗔 𝗭 𝗘 𝗘 🔥🎸

Yes, official na! KAMIKAZEE takes center stage as the MAIN ARTIST of the 25th Bañamos Festival GRAND REVELRY 2026! Isang gabing punong-puno ng kantahan, talunan, nostalgia, at walang humpay na rock ’n’ roll ang naghihintay sa atin.

📅 SEPTEMBER 19, 2026
⏰ 3:30 PM onwards
📍 General Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin, Los Baños

Dalhin ang tropa. Ihanda ang boses. At siguraduhing… dala n’yo ang tsinelas n’yo. 👀🩴🤘

𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗜𝗦 𝗜𝗧, 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦!
𝗞𝗜𝗧𝗔-𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗟𝗥𝗬! 🔥🎸

🕛 𝟯 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢!Tatlong araw na lang bago tuluyang magsimula ang saya ng 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗛𝗢𝗧𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗛𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟!At sa 𝗗𝗔𝗬 ...
14/09/2026

🕛 𝟯 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢!

Tatlong araw na lang bago tuluyang magsimula ang saya ng 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗛𝗢𝗧𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗛𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟!

At sa 𝗗𝗔𝗬 𝟯 | 𝗦𝗘𝗧𝗬𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲, isang buong araw ng aksyon, saya, at selebrasyon ang naghihintay sa bawat Los Bañense!

🚴 𝗣𝗔𝗗𝗬𝗔𝗞 𝗟𝗕
Simulan ang araw sa isang masiglang pagbibisikleta para sa kalusugan, pagkakaibigan, at pagkakaisa.
📍 Lakewood Subdivision to CPP Memorial Stadium & Evacuation Center | 4:30 AM

🏀 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗚𝗔𝗠𝗘
Abangan ang kapana-panabik na pagtatagpo ng husay, sportsmanship, at saya sa court!
📍 CPP Memorial Stadium & Evacuation Center | 2:00 PM–4:00 PM

🎸 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗟𝗥𝗬
At pagsapit ng hapon, sama-sama tayong makisaya sa pinakahihintay na pagtatanghal ng musika at talento!
📍 General Paciano Rizal Park | 4:00 PM

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦!
Handa na ba kayong makisaya?





Makisaya at makiisa sa paggunita ng ika-411 Founding Anniversary ng bayan ng Los Baños sa darating na Setyembre 17, 2026...
14/09/2026

Makisaya at makiisa sa paggunita ng ika-411 Founding Anniversary ng bayan ng Los Baños sa darating na Setyembre 17, 2026 (Huwebes)! Idineklara ang araw na ito na Special Non-Working Holiday sa Bayan ng Los Baños, Laguna sa bisa ng Republic Act No. 11116, bilang pagkilala at paggunita sa Founding Anniversary ng Los Baños at taunang Bañamos Festival, isang mahalagang pagdiriwang ng kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng ating bayan.

Kaya naman, mga Los Bañense, samantalahin ang espesyal na araw na ito upang makibahagi sa pagsisimula ng pinakaaabangang 25th Bañamos Hot Spring Baths Festival mula Setyembre 17-19, 2026! Sama-sama nating ipagdiwang ang makulay na kasaysayan at patuloy na pag-abante ng ating bayan.

Isang masaya at makabuluhang Founding 411 Anniversary sa ating lahat! Happy 25th Bañamos Festival! 🎉








Sa pagsisimula ng panibagong linggo, muling nagtipon ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan para sa lingguhang Flag Raising...
14/09/2026

Sa pagsisimula ng panibagong linggo, muling nagtipon ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan para sa lingguhang Flag Raising Ceremony nitong Setyembre 14, 2026 (Lunes), na pinangunahan ng Municipal Tourism Office. Iniulat ni Municipal Tourism Officer Ms. Edmarie Calungsod-Teraytay ang mga naging accomplishment at programa ng kanilang tanggapan, kasabay ng pag-anyaya sa lahat na makiisa sa nalalapit na ika-25 Bañamos Festival at ika-411 Founding Anniversary ng Bayan ng Los Baños na gaganapin ngayong Setyembre 17–19, 2026. Tampok dito ang iba’t ibang aktibidad para sa mga Los Bañense at mga bisita bilang bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng kasaysayan, kultura, at tradisyon ng bayan.

Dumalo at nagbigay-suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, na kinatawan nina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta. Nakiisa rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr. at Chief of Staff Anatoly “Pong” Guinto, gayundin ang DILG Family kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga work immersion students, at iba pang kawani ng pamahalaan. Sa sama-samang pakikiisa, ipinamalas ang patuloy na pagtutulungan sa paghahatid ng serbisyong diretso sa tao at pagsusulong ng pag-unlad ng Bayan ng Los Baños.




14/09/2026

LIVE | 57th Regular Session of Sangguniang Bayan of Los Baños

Address

Brgy. Timugan
Los Baños
4030

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share